Share

Chapter 6

“Ano sir paki ulit nga ho” Tanong ulit ni Tino baka kase nagkakamali lamang siya ng dinig o baka akala ng amo niya ay same dancer pa rin ang sumasayaw kahit bago na ang togtog.

“Ang sabi ko singitan mo ng dalawang libo ang dancer na nagsasayaw ngayon at siya ang iteybol mo para sa akin” ulit naman ni  Anthony.

“Sure ka dyan Sir Anthony kelan ka pa nahilig sa may l***t” Sabi Ni Tino. Hindi makapaniwala ang laaki na sa dinami dami ng babaeng sumampa sa intablado ay ito pa ang n akursunadahan ng kanyang amo.

"Ano? basta gawin mo na at sabihan mo na agad yung manager na sa akin ireserve ang dancer na yan. Name her price” seryosong sabi ni Anthony. May dahilan sdi Anthony at mahirap iotng ipaliwanang kay Tino. basta ng sabihin ng knayang driver na may maskara ang babae ay agad itong pumukaw sa interes niya.

"Ay Langya seryoso nga ang amo niya. nag name her price na eh parang yung kay Ma'am Selina lang dati" Naiiling na tumayo si Tino at siningitan ng dalawang libo ang dibdib ni Juliana na naroon pa rin sa stage at nakapose habang naka split na mukhang sadyang naghihintay  ng mga paipit.

“Hi, ito oh galing sa amo ko ayun siya o sa table 7 sa kanan. Pogi diba” sabi niTino.

Isang magandang ngiti ang ibinigay ni Juliana kay Tino saka nilingon ang itinuro nitong amo. Napatda si Juliana ng makita ang isang matangkad na lalaki  na parang foreigner. Nakatingin nga ito sa gawi nila pero parang malayo naman ang tingin.

“Salamat pogi… paki sabi kay Boss salamat din sa uulitin kamo”

Sabi ni Juliana na totoo ang ngiti. Kung sino man kase ang amo nito ay malaki ang pasasalamat niya dahil eto ang may pinakamalaking pa ipit. Karamihan kase ay tag iisang daan o dalawang daan ang ipit, may kasama pang himas yun Bibihira ang nag iipit ng may mukha ni Ninoy kadalasan ang gumagawa nun mga pulitiko at matandang amoy katinco.

Pero suwerte ata siya ngayon bukod sa dalawang papel na may tatlong ulo ang pa ipit niya madami rin ang nagsaboy bagamat halos lahat ay kulay  violeta at ang iba ay kulay orange pa. Kapag pinagsama sama naman ay marami na rin at tiba tiba na rin kumpara sa saboy ng ibang dancer na nauna.

Bumangon na si Juliana sa pagkaka split ng magsalita ang Dj  sinamsam niya ang saboy na pera at inilagay lahat sa loob ng kanyang bota. Masaya siyang malungkot dahil sa kabila ng pagod at suwete niya ngayong gabi ay alam niyang merong isang taong mas matutuwa sa laki ng kanyang kinita.

Ang buong akala n Juliana ay magkakaroon siya ng katuwang sa buhay dahil may kasintahan siya, dahil mahal siya ni Renzo. Bagamat nasa madilim at maruming na mundo ay naniniwala si Juliana sa wagas na pagmamahal o sa  kapangyarihan ng pagibig pero isa lamang pala siyang hangal.

Alam  ni Julianan na nagkamali na siya kay Renzo pero madalas ay  sinasaway siya ng puso niya. Yun kase ang kahinaan ni Juliana. Grabe siya magmahal yun tipong susugurin ang giyera o aabutin ang mga ulap.

Nakalakihan kase ni Juliana ang paghahanap ng pagmamahal since maaga siyang naulila sa pagmamahal ng ina. At halos wala namang pagmamahal  sa ama na mas mahal pa ata ang alak kesa sa kanya.

Kaya ng iparanas  ni Reno ng pagmamahal at pagaalalaga ay halos mahumaling si Juliana at hinbanap hanap niya. Yun nga lang  may katumbas pala yun o kung hindi man katumbas  may  hangganan lang pala.

Kinapa ni Juliana ang dalawang libong paipit ng guwapong lalaki. Nakita kaya ito ni Renzo?  Kinuha ni Julian ang  inipit na iyon at balak sana niyang iipit sa loob ng kanyang kulot na wig para hindi makita ng katipan pero ng ilabas niya ay biglang hinablot ng lalaking nasa likuran na pala niya.

“Wow laki ng  tip mo Babe ahh.. nice tatlong ulo wow.. wow.. wow” Si Renzo iyon na nakitang dinukot na niya ang pera. Alam n ni Juliana na gan u nang mangyayari. Minsan  naiisip nia inyang pinupuri ba siya nito dahil ginalingan niya  at kumita siya o pinupuri ba nito ang kinita niya. Inaasahan na rin niJuliana na agad itong ibubulsa ni  Renzo.

“Ahh Babe pwede bang  itabi ko ung dalawang libo balak ko kaseng dalhin ang itay ulit sa  Doktro para kasing lumalala siya eh madalas  naglalagnat eh” Pakiusap ni  Juliana ng makitang isiniksik agad ni Renzo ang pera sa bulsa.

“O sige Babe basta nandito lang sa  akin pagsama samahin na nating pati yang nasa boots mo para mabudget natin ha” Sabi ni Renzo na tinulungan pa siyang hubarin ang boots niya.

naiiling na lamang si Julianan dahil alam niyang kapag hinawakan na ni Renzo ang pera malabo  na niya itong makuha. Alam niyang malabo na naman niyang madala ang amam sa doktor. Bakit pa nga ba siya nangtaka . Hindi na bago ang ganbitong eksena pero nakakasawa na nakakapikon na rin.Magpapalit na sana ng damit si Juliana ng pigilan sya ni Renzo.

“Kung sakaling may tumeybol sayo wag mo tanggalin ang maskara mo ha at wag ka ng magbihis patongan mo na lang sweater gawin mo ang lahaht para malaki ang tip at  makarami ka ng ladies drinks” Bilin pa nito.

"Ano? pero babe, alam mo ang patakaran ko dyan di ba saka  bakit? bakit bigla mong sinabi yan?"

hindi makapaniwala si Juliann a si renzomismo ang nangsabi  samantalang seoso nga ito at basagulero noong unang nangsayaw siya. Pero biglangg napaisip ang dalaga. Noong una lanag iyon mga hanggang tatlong gabi lang nawala ang pagkaseloso nito ng makahawak na ng malalaking tio at sabog  mula sa kanya.

Nakuyom ni Juliana  ang kamao sa pinipigil na galit, halos maluha siya sa turing sa kanya ni Renzo. Para siyang isang putang isinasalang sa kawan ng mga hayok para lamang mas lumaki ang kita nito. Alam niyang sagad na yun alam niyang hindi na pagmamahal iyon. Naiyak si Juliana kaya tumakbo siya sa Cr.

Gusto na niyang  makalayo .Ayaw na niya sa nangyayari. Mahal niya si Renzo . Ewan niya kung bakit sa lahat ng lalaki ay ito ang minahal niya. Minsan ba talaga mahirap kumalas sa first love? Gusto  na niyang tumakas... tumakbo pero paano ang kanyang ama? Gusto niyang makipagkalas na kay Renzo pero saan sila  pupunta?

Paano niya uumpisahan. Alam niyang kapag nakipag break siya dito ay magagalit ito at malamang  paalisin na siya sa club, isususmbat nitong siya ang nag pasok  sa club. Hindi naman siya maaaring magapply ulit sa ibang club hindi nga siya kagandahan eh kaya nga siya ang mamaskara. kaya nga pagka janitess lang siya pumasa.

Nakakulong ang kuya niya kaya  walang bantay ang kanyang ama. Paano na siya makakapaghanap buhay para sa gamutan ng ama. Sa cr na tanging kakampi n Juliana ay inubos ng dalaga ang luha  at nilamon ang pangarap.

Pero isang araw .. isang araw na bigyan lamang siya ng sign, ng pagkakatoan na makatakas sa mundong ito ay gagawin ni Juliana.

Samantala………..

“Boss, pinapareserve ng amo ko yung dancer na naka red yung kakatpaos lang mag show. Sa table mo namin papuntahin boss. Exclusive  ayaw ng amo ko ng  per hour lang”

Sabi ni Tino kahit wala naman binanggit na ganun si Anthony  alam na nito ang ugali  ng amo. Hindi ito papaya na pagkatapos pa iba o pipila at pagtitiyagaan ang hinid nito napili.

“Walang problema Bosing. Magbibihis lang Yun. Ang kaso Bosing in demand yun eh kita mo naman star Dancer ko yun. Kaya ganun din sa pag teyble. Medyo may presyo yun kesa sa iba ha bosing”

Sabi ng gahamang si Genesis na nakakita agad ng peso sign sa  mata ng lalaking kausap.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
E-wan Usero
nice , ganda
goodnovel comment avatar
Rina Nicolas
ito UNG kwento na Isa sa ngostuhan ko na KHIT Anong stado sa Buhay ay Sila at Sila Padin sa huli
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status