Share

Chapter 2

Eto ang naging buhay ni Juliana sa loob ng tatlong taon mula ng maka graduate ng high school. Dalawang beses huminto sa pagaaral si Juliana. Una noong 2nd year siya ay nahinto siya sa pagaaral dahil namatay ang kanyang ina.Tapos bago magpasukan ng 4th year naman at nagkasakit  nga ang ama. Ultimo kase pamasahe patungong eskuwela ay hinahagilap pa ng tatay niyang bumibiyahe ng trycicle noon.

Dalawa silang magkapatid ang kuya niyang si Mario, ang kaso napaaway ito at  nakasaksak ng medyo may pangalang tao kaya nakakulong ang kapatid at walang piyansa. Nagagawa ni Juliana ang  lahat ng trabaho at nakakaya niya ang lahat sa pagtulong at alalay ni  Renzo kahit hindi na nga sa pinansiyal.Yung meron lang siyang masandalan sa pagod na katawan ay sapat na. Pero ilang buwan lamang nagtagal iyon.

Bago pa kase mag pitong buwan ang kanilang relasyun lumabas na ang totoong kulay ni Renzo. Nagagalit na eto kapag inuuna niya ang pamilya o ang ama.  Mabilis na itong mag tampo ngayon at minsan wala sa katwiran  na igigiit ang gusto. Bago sila magisang taon ay  nagsimula si Renzo na hiram hiramin ang suweldo niya sa  club.

Minsan pa nga mababalitaan na lamang niya ky Boss Genesis na  bumale si Renzo sa pangalan niya. Pinagbibigyan eto dahil alam sa club na mamgkarelasyun sila. Kinumpronta niya si Renzo pero nagsabi lang ito na babayaran naman. Pero ang pagbabayad na iyon ay hindi nangyari. At ang minsan ay naging palagi.

Pero nagbago ang lahat ng magsimula siyang magsayaw sa club at magkaroon ng extrang pera. Naging mas malambing si Renzo na para ngang halos ayaw na siyang pauwiin noon.

Dala ng pagmamahal niya sa binata at sa bugso ng damdamin ay  may nangyari sa kanila  pero sinigurado ni Renzo na magtake daw muna siya ng pill na ginawa naman niya dahil magiipon pa daw sila.

Isang gabing maulan ay kumakatok si Renzo sa bahay nila Juliana ng  pagbuksan niya ay agad itong pumasok at ni nilambing lambing Juliana nakiusap na kung maaari ay dumito muna sa bahay nila. Nagkaroon daw etong kaaway at pinangbabantaa daw ito sa lugar nila. Pinaniwalaan iyong ni Julianan dahil mahal niya si Renzo lalo  at may nangyari na sa kanila.

Pero ang lahat ay lumala  dahil nangsimulang parang ariin na nito ang bahay niya hanggang sa inilipat na nito ng tuluyan ang mga gamit at pati na rin ang nanay nito. Sa kalaunan ay para na nga silang biglaang nagsama at para silang biglang nagkaasawa.

Ayos pa noong una, ang unan na madalas miuang istorbuhin. Pero isang hapon ay nagulantang si Juliana sa pagkakagulo sa maliit nilang sala. Sinabuyan daw kase ng maininti na kanin ng ina ni Renzo ang kanyag ama.

“Ano hong nangyayari?” Sabi ni Julian na medyo masama ang timpla.

“Eh etong tatay mo ayaw kumain, halos ayaw na namang ibuka ang bibig napakaarte” Sabi ng kanyang  beyanang hilaw.

"Baka naman ho ayaw pa talagang kumain nay” Sabi ni Juliana na nilinis ang natapong kanin sa kandungan ng ama.

“Tay kumain na ho kayo  kailanga ho ninyong kumain kase para makainum ng gamot nyo” Sabi ni Juliana na tinitimpi rin ang inis sa sitwasyun ng ama. Nagda dialysis lamang kase ito pero parang naging stroke patient na. Halos ayaw na nitong kumilos o magkusang gumalaw ni ayaw ng magsikap na patatagin ang sarili at ang katawan.

"Oh diba ayaw talaga. Ang arte ng taray mo eh. Akala mo mayaman na may taga silbi" sabi ng beyanang hilaw.

"Nay kung napipilitan naman po kayong pakain ang tatay ko wag nyo nalang hong gawin.Sa gabi lang naman ako nakikisuyo" Sabi ni Juliana na hindi nagustuhan ng ina ni Renzo.

"Aba..aba. ikaw pa ba ang may ganang magsalita ng ganyan.Tama ka! napipilitan nga ako. Nasisikipan ako at higit sa lahat naaburido ako. Oh ano ngayon na alam mo na ang totoo"

Nagulat si Juliana sa pinagsasasabi nito.As if naman may choice sila eh nakikitira na nga lang. Nagpakatimpi timpi si Juliana sinilap wag maburyong at baka kung ano-ano ang masabi niya. Kung hindi lang niya talaga ito beyanang hilaw baka nasupalpal na niya ito at pinalayas o itinapon niya sa ibang planeta para maging Alien na palutang lutang na lang sa galaxy.

"Hoi! Sa totoo lang hindi ko nga maintindihan tong si Renzo ko eh kung bakit ki rami raming matinong babae eh sa p****k ka pa sa club.

Sinabi ko na nga'ng ung anak ni Ka Senya na may ari sng talipapa ang ligawan eh para guminhawa naman ang buhay. Aba eh sayang ang gandang lalaki ng anak ko bukod sa low class na ang nadale eh di pa kagandahan" Napikon na si Juliana sa kaka insulto nito kung pagsalitaan siya nito ay ganun ganun na lang.

"Hindi nyo ho pala ako gusto eh bakit ho kayo nandito? Dapat sinabi nyo sa magandang lalaki nyong anak na ikuha kayo ng aparment na para sa inyo lang" May halong pangiinis na sabi ni Juliana.

"Pero sa tingin ko kahit pang deposito wala ang anak nyo kaya dito kayo sumisik" sabi ni Juliana.

(Isang malakas na sampal ang natamo ni Juliana)

"Abat... hoy magdahan daham ka ng pananalita. Akala mo hindi ko alam na ang anak ko ang nakiusap para magkaroon lang ng extrang income " Nakaimid na sabi ng ina ni Renzo.

"Napakayabang mo kung Hindi dahil kay Renzo ko baka kahit panty mo di makabili gagang ito" Sigaw sa kanya ng ina ng kasintahan.Tagpong inabutan ni Renzo na galing sa labas.

"Nay... Julian?anong nangyayari?Juliana pinapatulan mo ang nanay ko?" Bintang agad ni Renzo.

"Oo nak, pinagsalitaan niya ako ng masasakit eh. Sinumbatan pa nga ako na dapat daw asikasuhin ko naman tatay nila dahil nakikitira lang tayo" Mabilis na sumbong ng ina ni Renzo.

"Ganun anak!" sabat ni Aling Corazon.

"Eh para lang naman natapon ung  kanin ng tatay niya sa kalungkutan eh" Pagsisinungaling ng ina ni Renzo.

"Teka anong sinumbat sumbatan.Wag po kayo magsinungaling" Halos mapigtal ang pagtitimpi ni Juliana sa kasinungalingan at sa galing magimbento at umarte ng ina ni Renzo.

"Ano? ako pa ngayon ang gagawin mong sinungaling ?" Halos pasigaw ng sabi ni Perla

"Tinawag mong....mong sinungaling ang nanay ko?" Magkasinod na reaktion ng mag ina.

"Halika nga dito" hinatak  ni Renzo si Juliana palabas ng silid  ng ama at saka pinuswelohan  ang dalaga saka binitbit at pasadlak na pinaupo sa sofang kawayan.

"Hoy Juliana, irespeto mo naman ang nanay ko.Kung hindi mo magahaw ang irespeto nanay ko wag mong asahang irerespeto ko din tatay mong walang silbi"

"Hindi ko binabastos ang nanay mo Renzo nangatwiran lang ako sa pangiinsulto niya.Siya itong bastos eh at sa tot....'" Sampal sabay amba ng suntok ang natamo ni Julian.

"Wag mo akong pikunin Juliana natalo ang bakas ko kay Romy. Respetuhin mo ang nanay ko at pwede ba wag mong alilain at gawing bantay ng tatay mo" Sabi ni Renzo saka siya halos pasakal na diniin sa sofa.

Pagabog itong lumabas ng pinto pagkatapos siyang isiksik sa sofa. Habang iismid ismid naman ang nanay ni Renzo. Pagkatapos ay sinundan si Renzo. Naiwan sila ng tatay niyang pinani nindigan ng literal ang walang silbi. Ang tatay niyang hindi mo alam kung dialysis patient o bed ridden patient.

Napaiyak na lamang si Juiana sa sitwasyun at sa sakit ng damdamin na hinuhusgahan na nga ang pagkatao niya eh siya pa ang masama. Minsan talaga, one time lang gusto na niyang maburyong.

Naisip ni Juliana ang kapalaran. Ngayon pa lang lumalabas sa bibig ng ina ni Renzo na hind ito boto sa kanya at mukhang sa kapangitan ng ugali ng magiging beyanan ay parang biglang nakaramdam ng takot si Juliana. Magiging impyerno ba ang buhay niya kapag totoong naging beyanan niya eto?

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Delia Guzman
I love this story
goodnovel comment avatar
Greganda Gervhin
naku naku renzo kuhang kuha mo inis ko
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status