Walang abiso, pinasok ni Claire ang conference room sa kabila ng nasa kalagitnaan na ito ng pagpupulong. Natuon ang buong pansin ng mga taong nasa loob sa namumutlang babae. Tumingin ito nang diretso kay Alexander habang nangangatal. Si Alexander naman ay kumunot ang noo sa pagtataka sa anyong nakikita sa sekretarya. "S. Sir, may nagaganap na hostage-taking sa St. Joseph Learning Center sa ngayon," umpisa nito. "Hawak ng isang grupo ang buong eskwelahan, estudyante at mga guro, kasama na ho si Alex,” tarantang imporma ni Claire. Pagsinghap ang namutawi sa loob. Si Lance ay mabilis na inabot ang remote control at binuksan ang TV. Eksakto namang naka-ere na ang nangyayaring kaguluhan sa naturang eskwelahan. Alexander's face went red. His lips go thin and tight-looking. Walang imik itong tumayo. He headed outside the conference room, kasunod si Lance. May pagmamadali sa kilos ng dalawa. Rose was sobbing in desperation. Hilam na siya sa luha. Nangangatal
اقرأ المزيد