Ang buong maghapon ay ginugol nila sa paglilibot sa bayan ng San Isidro. Hangang-hanga si Rose sa kagandahan ng paligid. Indeed a place like a hidden paradise. Sa kanilang mini-exploration ay kasama na ang pagbisita sa villa ng mga Zantillan. Nauna na kasi silang naimbitahan ng mga magulang ni Clark. Akalain mo, sa itinagal-tagal ng panahon na magkakilala sila ng doktor ni Manolo, ngayon lamang siya nakadalaw sa lugar nito. Naging napakainit ang pagtanggap sa kanila nina Donya Isabel at Don Franco. Tuwang-tuwa ang mag-asawa sa kabibohan ng kanyang anak. Noon lang din niya nalaman na magkababata pala ang asawa at si Clark at malapit na magkaibigan ang kani-kanilang mga pamilya. Hindi niya maiwasang mamangha sa kabuuan ng Villa Zantillan. Sa bungad pa lamang ay hangang-hanga na siya. Katulad ng ancestral house ng mga Zaavedra, ang villa ay takaw-pansin at napapalilibutan ng iba't ibang halamang namumulaklak. Ayon na rin kay Donya Isabel, ang mama ni Clark
اقرأ المزيد