“Have you lost your mind? Engagement mo na mamaya, nasaan ka ba?” Bulalas ni Kuya Hajie sa kabilang linya. This will be the last time na sinagot ko ang tawag niya. “Damn it! Hindi ako magpapakasal sa isang lalaking ni-minsan hindi ko naman kinilala,” matigas na sabi ko sabay blocked sa number niya. Tinanggal ko ang sim card sa cell phone at itinapon sa kalawakan ng rumaragasang ilog, sa ilalim ng tulay na nadaanan ko. After a few minutes, lunok sa sariling laway ang aking ginagawa sa waiting area ng isang households agency habang kinakabahang naghihintay na tawagin ang pangalan ko. Ilang buwan ko pinaghandaan ang job interview na gaganapin ngayon at sa palagay ko naman ay pasok ang requirements ko sa kanilang hinahanap na empleyado. “Next applicant!” sigaw ng coordinator sa loob ng opisina kaya pumasok na ako. “Hello po.” Binati ko ang baklitang nagtataray ang kilay sa pagtingin sa akin. “Resume? Bilisan mo dahil kanina pa naghihintay sa serbisyo ang mga amo mo!” Pagmamadali
Read more