Share

CHAPTER 3.

***

SA POLICE STATION ang aming kinahinatnan. Mabuti na lamang at kilala ko ang police officer na humuli sa'min.

Habang kinakausap si Taehyung ng ibang officer ay nakausap ko naman si Hoseok.

"Hobi!!!!!!" Mariin kong yakap sa kanya, sandali lang iyun at agad ko syang pinakawalan dahil nanlilisik na naman ang tingin sa'kin ng anak ni Lucifer.

"Kamusta ka na, Irene? Ang tagal natin hindi nagkita ahh! Mukhang good girl na good girl ka na, maliban lang ngayon?" Nakangiting tanong niya sa'kin at tinampi pa niya ang aking balikat.

"Napa trouble nga ulit ako e!" Kamot ko naman sa aking ulo na nahihiya sa kanya.

"Paano mo nakilala sina Jihoon? Alam mo bang laman na sila ng kulungan?" Bulong niya sa'kin na sinundan ni Taehyung ng masamang tingin.

"Ah.. eh.. Kase---" Utal ko at hindi ko malaman ang itutugon sa kanya dahil ayokong may malaman siya sa kumplikadong sitwasyon ng buhay ko ngayon.

"Hoy, Irene! Hindi pa ba tayo uuwi?" Naiinip na tanong ni Taehyung mula sa kanyang kinauupuan.

Tapos na yata syang interview-hin.

"Gusto mo bang tawagan ko ang Kuya mo para may lawyer ka?" Tanong pa ni Hoseok sa akin na lalong ikinagulat ko.

Lagot na, tatawagan nga niya si Kuya.

"No! Hindi!" Agad kong hinagilap ang kamay nya na kukunin na sana ang Telephone ng police station.

Malalaman ni Kuya kung saan ako nagtatago at baka ito na rin ang katapusan ng pagtakas ko sa kanila kapag nalaman nilang nagpanggap ako bilang isang Maid ng isa sa pinakamayaman binata sa henerasyon, ngayon.

"I mean, Hobi... Okay lang naman ako! Kaya ko na ang sarili ko tutal wala naman akong kasalanan dito!" Malantik na saad ko pa sa kanya.

"Okay pero tinawagan ko ang Owner Manager nu'ng Club for investigation!" Pagbabago niya ng sabi.

Gumaan ang loob ko. Muntik na kase.

Biglang dumating si Jimin.

"Taehyung??? Irene???" Gulantang niya ng makita niya kami.

"Mr. Park!" Pakikipag kamay ni Hoseok sa kanya at inaya nya ito sa loob ng kanyang office.

Sinundan ko si Taehyung nang makita ko syang lumabas ng Police Station.

Nagsindi siya ng sigarilyo at hinith!t ito.

Nanigarilyo rin siya?

"Ano ba?" Singhal niya sa'kin nang kunin ko ang sigarilyo mula sa kanyang bibig.

Nilapirat ko ito ng sobrang diin.

"Ano bang problema mo?" Taas kilay pa niya sa'kin at derektang hinarap ako.

"Gusto mo ba talagang makulong? Nasa harap ka ng police station tapos maninigarilyo ka?" Baling ko sa kanya.

"So what?" Magsisindi muli siya ngunit inagaw kong muli iyun.

Itinaas ko ang aking isang kilay at isinenyas sa kanya ang 'NO SMOKING' sign na nasa kanyang likuran.

"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Ipinahiya mo ako sa barkada ko at saka paano ka nagkaroon ng black card? Ninakaw mo ba iyun sa dating pinagsilbihan mo, huh?" Ako ang kanyang pinagbalingan ng galit.

"Or maybe you're an escort girl dahil lahat na lang ng lalaki na nakikita mo ay iyong binabati! Hobi???" Walang kwentang bintang niya sa akin.

"Wala ka talagang alam sa'kin!" Pagtatangis niya.

Sasampalin ko sana siya upang siya'y matauhan ngunit napigilan na niya ang aking kamay.

"Pwest magpakilala ka! Sino ka? Irene Min huh? Bakit marunong ka makipag sabayan sa mga katulad namin? Bakit magkakilala kayo nu'ng officer na iyun kanina?" Paghigit naman niya sa aking kamay paabante sa kanya.

Pinagmamasdan niya ang aking pagmumukha.

"Sino ako? Ako lang naman ang magpapatino sa baluktot mong pamumuhay! Ikaw? Alam mo ba kung ano ang pinaggagagawa mo sa buhay mo huh? Ang itinuturing mong kabarkada ay hinihila ka pababa! Hindi mo ba nakikita iyun sa kanila? Puro kayabangan lang ang alam nila porke't anak mayaman sila na katulad mo pero tingnan mo kung nasaan sila ngayon?" Pumiglas ako sa kanya.

"Wala kang pakealam kahit na ano pang gawin ko sa buhay ko! Binabayaran ka lang nina Jin para magsilbi sa'kin! Isa ka lang Yaya na walang ibang alam kundi pangunahan ako sa mga desisyon ko!" Matigas pa niyang usal sa akin.

"Hindi ka rin talaga marunong maawa sa mga kaibigan mo nuh? Wala kang utang na loob!" Diin ko sa kanya.

"Utang na loob?" Pagngisi niya.

"Wala kang alam sa utang na loob na sinasabi mo!" Tuwid pa niyang titig pa sa'kin at nilampasan nya na ako.

May pumukaw sa aking atensyon. Nakita ko si Kuya Woobin na papalapit sa kinaroroonan namin ni Taehyung.

Hinagilap ko agad si Taehyung sa kanyang polo shirt papunta sa isang gilid at dahil walang pagsasandalan ay iniyakap ko ang aking sarili kay Taehyung.

Sumubsub ako sa kanyang dibdib at yumukod.

"A---no bang ginagawa mo?" Gigil na tanong niya.

"Hssssh!" Pagtatakip ko sa kanyang bibig at muli akong sumubsub sa kaniya.

May ibinubugang hangin pa siya ngunit hindi ko siya hinayaan na pumalag sa aming kinapupuwestuhan.

Ilang minuto lang ang nakalipas.

"F*ck!" Napamurang bulalas niya at itinulak ako.

Nagsalabid ang aking dalawang paa, mabuti na lamang at may nakasalo sa akin.

"Kanina ko pa kayo hinahanap! Anong ginagawa nyo?" Pag alalay ni Jimin sa aking balakang at itinayo ako ng maayos.

Bumuntong hininga na lamang ako at nanahimik.

"Bwis!t!!!" Paglilinis pa ni Taehyung sa kanyang polo na animo'y nadumihan ko.

Matapobre talaga siya.

"Let's go home! May pag uusapan pa tayo!" Sabi ni Jimin at minadali ko ang aking sarili na sundan siya hanggang sa sasakyan nito.

SOMEONE'S POV.

...

NARIRINIG ko na ang sarkistong panenermon ni Jung Hoseok palapit sa aking opisina.

"Mabuti na lang nakipag areglo si Jimin, kahit papaano ay nabawasan ang problema ko!" Tinig nito.

"Pasensya na! Hindi na mauulit!" Paghinging despensa naman na tinig ni Jihoon.

"Kung hindi dahil sa pinangangalagaan niyang PARK'S CLAN, baka nakakulong na kayo ngayon!" Dagdag pa nito.

At matahimik silang pumasok sa aking opisina.

"Hoseok!" Bungad kong sambit sa kanyang pangalan.

"I know where she is!"

Napa-ngisi ako sa kanyang munting balita.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status