My Young and Wild Boss.

My Young and Wild Boss.

last updateLast Updated : 2024-01-18
By:  @SimplyMarjoCompleted
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
0 ratings. 0 reviews
60Chapters
3.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Love should not be all about saying, 'I LOVE YOU' but also about showing and proving that it's true" Ang akdang ito ay tumutukoy sa isang Lalaking masyadong mataas ang tingin sa kanyang sarili kaya't kung pahirapan at ituring niya ang mga taong nasa paligid nya ay parang isang basura lang at basta na lang niya binabalewa. Makikilala niya si Irene Min, Isang Babaeng natutong tumayo sa sarili niyang mga paa para sa isang pagtakas na kanyang ginawa.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1.

“Have you lost your mind? Engagement mo na mamaya, nasaan ka ba?” Bulalas ni Kuya Hajie sa kabilang linya. This will be the last time na sinagot ko ang tawag niya.

“Damn it! Hindi ako magpapakasal sa isang lalaking ni-minsan hindi ko naman kinilala,” matigas na sabi ko sabay blocked sa number niya. Tinanggal ko ang sim card sa cell phone at itinapon sa kalawakan ng rumaragasang ilog, sa ilalim ng tulay na nadaanan ko.

After a few minutes, lunok sa sariling laway ang aking ginagawa sa waiting area ng isang households agency habang kinakabahang naghihintay na tawagin ang pangalan ko. Ilang buwan ko pinaghandaan ang job interview na gaganapin ngayon at sa palagay ko naman ay pasok ang requirements ko sa kanilang hinahanap na empleyado.

“Next applicant!” sigaw ng coordinator sa loob ng opisina kaya pumasok na ako.

“Hello po.” Binati ko ang baklitang nagtataray ang kilay sa pagtingin sa akin.

“Resume? Bilisan mo dahil kanina pa naghihintay sa serbisyo ang mga amo mo!” Pagmamadali niya kaya ibinigay ko na ang application papers ko.

Sinimulan na niya suriin ang nasa papel.

“Irene Marasigan, marunong ka ba tumakbo ng mabilis?” sabay tanong niya kaya nagtaka ako.

“Po?” Para saan ang pagtakbo?

“Maaasahan ka ba sa lahat ng gawaing bahay? Malakas ba ang iyong pangangatawan at desidido ka ba sa trabahong pinapasok mo?” Nakapanginginig ng tuhod ang sunod-sunod na tanong ng coordinator. Hindi ko tuloy malaman kung kasambahay pa ba ang ina-applayan ko o karagador sa palengke.

“Itinatanong po ba talaga iyan?” Tumingin sa akin ng masama. “Y-Yes po. Desidido po talaga ako magkaroon ng trabaho.” giit ko naman.

“Okay, you’re hired, here’s the guidelines, rules and regulations, basahin mo na lang.” Ibinigay sa akin ang isang magazine na kasing kapal ng isang libro.

“Para saan po ito?” Baka abutin ako ng isang buwan bago mabasa at maintindihan ang nakapaloob sa magazine nila.

“Nakasulat ang lahat ng kailangan mong gawin at nakalagay din d’yan ang personal identification ng magiging boss mo.” Napakunot noo ako sa paliwanag ni bakla.

“Wow ha. Parang nakatala na rito ang talambuhay ng amo ko.” Bulong ko.

“Sige na, umalis ka na at hanapin mo ang mataas at kulay itim na gate sa street 666.” Pagtataboy niya.

Grabe, numero ba iyon ng demonyo?

Nagdadalawang-isip tuloy ako mag-back out sa trabahong papasukin ko. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko makakayanan pakisamahan ang ugali ng magiging boss ko.

First time ko namasukan bilang kasambahay kaya wala sa kasiguraduhan kung magiging mabait at makakasundo ko ang sinasabi nilang young and wild boss. Tila may sariling mundo sa pagiging suplado at istrikto rin daw ang amo na pagsisilbihan ko.

Panay ang pagpindot ko sa doorbell ng malaking gate na may kulay itim ngunit wala yatang may balak magbukas. Nakakainis dahil halos abutin ako nang maghapon sa paghahanap tapos ganito ang nangyayari.

Pinagmasdan ko ang buong paligid. Na-scam pa yata ako. May pagbibigay pa sila ng magazine, hindi ko rin naman pala mapakikinabangan.

Shit.

“May nakatira pa ba sa mala-haunted mansion house na ito?” Buntonghiningang bulong ko. Biglang umihip ang malakas na hangin na halos tumangay sa akin papalayo, napahawak lang ako sa poste ng street lights.

Ilang sandali ang dumaan, desmiyadong naupo ako sa gather ng kalsada at itinuon ang siko sa maletang dala ko habang sambot sa palad ang aking ulo at dahil nakararamdam na ako ng pagka-inip binuklat ko ang magazine sa unang pahina.

“The billionaire’s heirs.” Nabasa ko sa nakasulat. First article.

Nagulat na lang ako dahil bumukas ang gate nang walang sinumang tao ang nagkokontrol. Pumasok ako at naglakad sa zigzag na hallway.

“Tingnan mo nga naman. Don’t judge the book by its cover. Sa labas lang pala haunted.” Nakamamangha ang kagandahan sa loob. Malinis ang paligid at namumulaklak ang mga orchids na nakadisenyo sa bawat tabi ng daan.

Nakabukas ang pinto ng mansyon kaya walang alinlangan na pumasok ako. Umalingawngaw ang isang maingay na pag-uusap.

“I said, She’s fired!” Malagong na tinig ng isang lalaki.

“Ano ka ba? Wala pa nga siyang isang linggo rito, palalayasin mo na agad?” matinis na sabi naman ng isa pang lalaki.

“Sir Theo, bigyan n’yo pa po ako ng isang pagkakataon, nakikiusap po ako.” pakiusap ng isang matandang babae.

“No! Get lost, I don’t need you!” Tiningnan ko kung sino ang nagmamay-ari ng malagong boses na iyon. “I said, get lost! Ano, bingi ka ba?” hiyaw niya at nasaksihan ko ang pagtulak sa matanda kung kaya’t hindi ko napigilan ang sarili na makisali sa gulo nila.

“Hoy! Sobra ka naman, hindi ba puwedeng palabasin mo siya sa mas maayos na paraan at kailangan talaga ay manulak ka? Matanda na siya, hindi mo ba nakikita?” Singhal ko sa lalaking walang respeto sa nakatatanda at nagmamataas sa aking harap.

Tinulungan ko makatayo ang matandang babae.

“Tandang tanda na, wala pa ring ginawang tama!” singhal na sabi pa niya.

“Ang sama ng ugali nito.” maatim kong bulong at inihatid ko muna ang matanda sa labas ng mansion house.

“Salamat, hija. Napakabuti mo.” Pasasalamat ng matanda.

“Okay lang po ba kayo?” tanong ko naman.

“Ayos lamang ako.” Hinawakan ako sa braso at sinundan ko iyon ng tingin. “ Hija, mag-iingat ka rito, ha.” Paalala ng matanda.

“B-Bakit ho?” Kinabahan ako bigla.

“Baka hindi mo kayanin ang batang iyon. Kakaiba ang ugali niya sa lahat ng amo na pinagsilbihan ko, sigurado ka ba sa desisyon mo na palitan ako?” masalimuot na tanong niya.

“Kailangan ko po talaga ng trabaho at masyado na po kayong matanda para tiisin ang ugali ng lalaking iyon. Mas makabubuti po siguro kung umuwi na lang po kayo sa probinsyang pinanggalingan ninyo.” paliwanag ko.

“Mangangamuhan na lang ako sa iba. Oh siya hija, maiwan na kita d’yan. Pagkaingatan mo ang iyong sarili.” mariing bilin niya sa akin bago tuluyang umalis.

Pagkaalis ng matanda, bumalik ako sa loob at nadatnan ko ang apat na lalaki sa salas na nakatingin sa aking pagdating. Pamilyar ang mga mukha nila. Kunot noong iginala ang kanilang mga mata mula sa aking ulo hanggang paa kaya hindi ko maiwasan ikipit ang dalawang binti sa isa’t isa.

Sino ba sa kanila ang magiging boss ko?

“And who are you?” matigas na tanong ni suplado. Hindi ko malaman kung ano ang itutugon bagkus napapalunok na lang ako sa sariling laway.

Marahil siya ang magiging amo ko. Guwapo naman ngunit may matatalas na paningin. Halatang kinukulang sa aruga at maayos na pagdidisiplina. Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Theodore Silvestre. Ang title holder ng one of the most handsome heirs in the world.

I already knew their names and personalities. Ipinaalam na sa akin ng agency ang tungkol sa kanila and I don’t really think so, kung makikilala nila ako dahil siguradong kilala sila ng mga magulang ko.

Si Gino Avila ang mas nakatatanda sa kanila at mas matured mag-isip dahil halata sa gesture niya. Si Miguel Angelo Guevara naman ay malakas ang dating ngunit babaero at ang pinakabata sa kanila na si Jeo Sebastian Haveria ay matalino, matipuno at magalang sa babae.

Nabibilang sila sa billionaire’s heirs. Anak ng mga tanyag na negosyante all over the world. Kaya hindi na bago sa akin ang pagkakakilanlan nila.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
60 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status