Share

CHAPTER 6.

PAGKATAPOS namin kumain ay dumaretso na ako sa Basement. Hindi ko akalain na sasamahan ako ni Jungkook hanggang doon.

"Sigurado ka ba na sasamahan mo ako dito?" Kunoo't noo ko sa kanya.

"It's okay, medyo hinahapo lang ako dahil magabok pala dito! Ngayon lang talaga pinalinis ito ni Taehyung kaya gusto kong makita kung ano ang nasa loob nito!" Sabi nya.

"Ah ganun ba? Okay sige!" Tugon ko na lang.

Nagulat kami ng biglang naglock ng Automatic ang pinto ng Basement at hindi kami agad makalabas.

"Anong nangyari? Syete, na-Lock tayo!" Maktol ko at pinipihit ko ang Door Knob.

"Naku po naman... Nahihirapan na akong makahinga!" Hinihingal na nga siya.

"Paano tayo nito, mamaya pa darating si Young Monster at asa pa tayo na pagbubuksan nya tayo dito!" Natataranta kong sabi at sa hindi ko sinasadya ay natabig ko ang isang family picture.

Sa palagay ko ay ito ang mga magulang ni Young Monster habang karga siya ng siguro ay kanyang Ama.

"Huwag ka na mataranta, makakalabas din tayo dito!" Saad naman ni Jungkook at tinulungan nya ako na simutin ang bubog sa sahig.

Tumighim na muna siya at para bang nasamid siya ng alikabok nito.

May narinig kaming isang malakas na ungol ng isang malaking aso sa madilim na parte ng Basement.

"Irene... Ano yun?" Nanlalaki ang mga mata nya sa takot at tumakbo sya sa likuran ko para magtago.

"Jungkook ano ba? Di'ba sabi mo, huwag mataranta kaya wala lang iyun!" Pambabalewala ko naman.

Isang malakas na tahol na ang bumungad sa'min at lumabas sa dilim ang isang malaking aso. Hindi lang basta Aso. Isa syang klase ng Pitbull Dog.

Yung pinaka-panget na klase ng Aso sa paningin ko lang at nakakatakot ito.

"Jung... Kook!" Nanginginig na boses ko sa takot. Gusto kong tumakbo pero naka-Lock ang pinto.

Haist... Planado ba ito ng Dem0nyong Amo kong iyun?

Ahhhhh Taehyunggggggg!

Alam nyang susundin ko ang utos nya kahit na anong mangyari kaya pina-inan nya ako ng ganitong klase ng prank.

"Irene... Hindi ako makahinga!" Hinihingal na bulong ni Jungkook mula sa aking likuran.

Inataki na siya ng kanyang sakit na hapo at nang harapin ko siya ay nakahawak na ito sa kanyang dibdib.

Anong gagawin ko?

Hinahabol na niya ang kanyang hininga at pinagpawisan na rin sya ng malamig.

"Jungkook...!" Pagsalo ko sa kanya dahil nawalan siya ng balanse.

"I... re.. ne!" Utal nya sa pangalan ko.

Habang kahol ng kahol ang Pitbull na ito, Palapit na siya sa aming kinaroroonan ni Jungkook.

Naupo sya sa harap namin kaya't napapikit ako dahil akala ko ay kakagatin nya kami nu'ng makalapit ito sa amin.

"Yuck.." Kunoo't noo ko nang dilaan nya sa mukha si Jungkook habang hinahapo pa rin ito.

Kailangan na namin makalabas bago maubusan ng hininga si Jungkook. May asthma pala sya pero sumama pa rin sya sa'kin dito sa loob. Nadamay pa tuloy sya sa kalokohan ng Bestfriend nya.

Bw!sit ka talaga Taehyung.

...

JIMIN'S POV.

SA UNIVERSITY.

NARINIG ko ang nakakalokong tawa ni Taehyung mula sa hallway. May pinagti-tripan na naman sya and i'm sure that was Irene.

May monitor siya na pinapanood sa Phone nya. Connected sa CCTV na nasa bahay nya.

"Shit! Bakit bumait ka Loonie?" Bulong nya na narinig ko.

"Loonie? Yun ba yung Pitbull Dog na binili mo Last week?" Tanong ko pa sa kanya.

"Yeah!" Tugon nya at hindi ko maalis ang atensyon nya sa Monitor na iyun kaya kinuha ko ang phone niya.

"Hey.. Ano ba?" Pilit nyang kinukuha sa'kin ang kanyang phone ngunit mahigpit ko itong hinawakan.

"Si Jungkook at Irene ba yung nakikita kong ito?" Pagtataka ko dahil magkasama sila. Napansin ko rin yung Aso pero mas nalito ako dahil parang kumakatok sa pinto si Irene at walang malay si Jungkook.

Inatake na naman sya ng Asthma nya.

"Ikinulong mo ba sila sa Room na yan?" Balya ko sa kanya ng Phone nya.

"Ano ka ba? It's just a prank!" Pilyong tugon nya.

"Prank? Look what you've done!" Turo ko sa Monitor.

"It's joke time!" Natatawang diin pa niya.

"Hindi lahat ng joke mo nakakatuwa! Palabasin mo na sila!" Sabi ko.

"Ayoko! Magdusa ang Irene na yun sa Basement ko!" Pagmamatigas nya.

"Taehyung, Idinadamay mo si Jungkook sa kalokohan mo!" Sabi ko.

"Hindi ko na kasalanan iyun!" Pagmamatigas pa niya.

"Sumusobra ka na talaga!" Gigil na usal ko sa kanya.

Kinuha ko ang Car's Key niya at ganu'n rin ang house keys nya saka ako nagmadaling umalis.

Dumaan na muna ako sa clinic ng university para kumuha ng nebulizer at nakasalubong ko sya sa pathway papuntang parking lot.

"It's time for the next class, hayaan mo na si Irene na mag asikaso kay Jungkook!" Saad niya at sinundan ko ng tingin ang kanyang pagkakapigil sa aking braso.

"Pinagpa-pasensyahan lang kita, Kim Taehyung! Kung ayaw mong masira ang pagkakaibigan natin, Ayusin mo ang mga biro mo!" Matigas kong diin sa kanya.

Naramdaman nya siguro ang galit ko at miski ang kamao ko ay umikom na sa mismong harap niya.

Hinayaan nya akong makaalis.

Pagkarating ko sa Mansion ay dumaretso na agad ako sa underground basement.

Hindi na naka-lock ang pinto nito ngunit nasa loob pa rin sina Irene at Jungkook.

"Irene!" Nilapitan ko sila at agad kong tiningnan ang kalagayan ni Jungkook.

"It's emergency, call the ambulance! Jungkook!" Pagtampi ko pa sa pisngi nito ngunit hindi na ito nagkamalay pa.

Wala na rin ang pitbull dog ni Taehyung, marahil nagtago na ito sa kanyang kulungan o kung saan man.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status