Share

CHAPTER 2.

IRENE'S POV.

...

NAGHAHAYIN na ako ng Dinner nang marinig kong may kausap siya sa kanyang Phone sa living area.

"Okay, I'll be there in 10 minutes, see you!" Tugon nito sa kaniyang kausap sa cellphone.

Babae?

"Hoy! Yaya!" Lumapit siya sa kinaroroonan ko sa dinning.

Hindi ko naman siya pinapansin at kunwari'y may niluluto pa ako.

Babanlian ko siya nitong mainit init na soups kung sakali na babastusin nya na naman ako.

"Linisin mo ang kwarto ko! Pagbalik ko ay dapat malinis na iyun!" Bilin niya at balak na niya umalis.

"Hep!" Hinarangan ko siya sa kanyang dadaanan.

Tinaasan naman nya ako ng kanyang kilay.

"Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo na magpaalam man lang kung saan ka pupunta?" Baling ko sa kanya.

"You're not my mother!" Nilampasan nya ako.

"Isusumbong kita kay Jin este kay Mr. Seokjin!" Hiyaw ko pa sa likuran nya kung kaya't nilingon nya ako.

"Go! Tell them! Magsumbong ka hangga't kaya mo!" Ngumisi lamang siya sa'kin.

Umiinit na talaga ang ulo ko sa kanya.

Hindi ko malaman ang aking gagawin pagka alis nya. Dapat ko pa bang i-report kay Jin ang pag alis niya ng ganitong oras o hindi?

Ilang minuto nang makaalis siya saka ko lang napagtanto na sundan siya.

Mabuti na lamang at inabot ko pa sya sa pagsakay nya ng Taxi. Nakahanap rin ako ng ibang taxi at pinasundan ko sya.

Saan kaya ang lagalag ng lalaking ito?

Nakarating ako sa isang Night Club nang dahil sa kakasunod ko sa kanya.

Hindi na bago sa'kin ang makapasok sa ganito dahil nu'ng college years ko ay mahilig rin ako magpunta sa ganitong klase ng lugar.

Spotted ang g*go!

May mga kasamahan siya sa isang reserve table habang ako naman ay tumambay sa main desk ng club.

"You want to drink, Miss?" Pag aalok sa'kin ng isang lalaki na hindi ko naman kilala.

"Sorry but i don't drink!" Ngumiti naman ako sa kanya.

"You don't? But why? Alcohol is good to circulate onto your blood!" Sabi nito.

Wala akong panahon makipag usap sa kanya dahil naka focus ang paningin ko kay Taehyung at sa kung sinong mga babaeng pumupulupot sa kaniya habang nag iinuman sila.

"Just one shot!" Pagpupumilit nito sa'kin.

"No! I'm sorry!" Saglit lang ako nalingat ay nawala na si Taehyung.

Hinanap ko siya sa kung saan ngunit parami ng parami ang mga tao. Hanggang sa nakita ko siya sa 2nd floor.

Sinundan ko siya doon. May pinasukan siya na isang room kasama ang mga babaeng iyun.

Grabe! Anong klaseng lalaki siya?

Pervert or something?

...

Akala ko ay naka locked ang pinto nito kung kaya't malakas kong sinipa ito.

Nagulat sila sa aking nagawa at ganu'n rin ako ng makita ko ang tumambad sa'kin na isang sugalan.

"Who are you?" Taas kilay sa'kin ng isang escort girl ng club na ito.

"What are you doing here?" Kunoo't noong pagtataka ni Taehyung.

"Ang lakas din naman talaga ng Apog mo nuh? Iniwan mo ako sa bahay mo para lang magsugal dito?" Nilapitan ko siya at kinaladkad ko sya sa kanyang collar.

"Ano ba? Let me go!" Malakas na pagpiglas niya sa'kin.

"Don't touch my bhabe!" Paglapit naman ng isa pa sa mga play girl nya.

"Wag mo akong sinusubukan, Kim Taehyung!" Tiningnan ko siya ng tuwid.

"Who's that girl, Taehyung? Marunong ba sya ng House of cards?" Tanong ng isang lalaki sa kinauupuan nito.

"Umuwi ka na nga! Huwag mo akong ipinapahiya dito!" Pagtataboy nya sa'kin.

"Marunong ka rin pala mahiya!" Nginisian ko siya.

"Taehyung, let her be! Baka gusto nya rin makisali sa laro natin!" Nilapitan ako nito at saka inakbayan.

"Fine, let's get a bet!" Saad ko.

Tapos pinagtawanan nila ako.

"Jihoon, Kailangan na nya umuwi!" Usal naman ni Taehyung.

"Makikipag pustahan ako, Ititigil nyo na ang pakikipaglaro nito kay Taehyung at hahayaan nyo na syang umuwi kapag natalo ko kayo!" Taas kilay ko sa kanila.

"What if you lose?" Malantik na tanong ng Jihoon na ito sa'kin.

"Is*sak nyo sa baga nyo si Taehyung! Hindi na ako makikialam sa mga desisyon nya, plus magrere sign ako bilang maid nya!" Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong ito.

It's reckless..

Sa totoo lang ay iisang beses pa ako nakapag laro nito at tanging kay Dad ko lang ito nakikita.

Bahala na si batman.

"Mukhang si Taehyung lang ang makikinabang kapag natalo kita?" Natatawa nitong saad.

"What about money involved?" Dugtong pa nya.

"Okay!" Inilabas ko ang aking black card at nagulat si Taehyung.

"Nababaliw ka na ba?" Pagharang ni Taehyung sa uupuan ko.

Inirapan ko lamang siya.

"Game!" Saad ko at saka sinimulan na ang laro sa baraha.

Hindi mapakanali si Taehyung sa aking pakikipag laro sa mga itinuturing niyang kabarkada.

"So, You are Taehyung's new assistant? Kung isang katulong ka lang, bakit mayroon kang black card?" Buntong hininga ng Jihoon na ito habang binigyan kami ng cards nitong dealer.

"Lahat ng bagay dapat pinaghihirapan, hindi basta hinihingi sa magulang!" Nakatitig ako sa kanya.

Pagkabigay sa aking ng baraha ay agad ko itong tiningnan.

Paano nga ba ito? 3 speed and 5 diamond ang napunta sa'kin. Dapat ang baraha na nasa harap ng dealer ay 2-4 and 6 para makuha ko ang Six high straight.

Kinakabahan ako.

"Let's stop this okay? Umuwi na lang tayo tutal yun naman ang gusto mo di'ba?" Bulong pa ni Taehyung sa aking tabi.

May gigil na ang tono ng kanyang pananalita.

"Raise! 100 thousands" Sandali lang akong tumingin sa kanya at muli akong nag focus sa baraha.

Tumatawa ang kung sinuman na nanonood sa pagitan namin ng Jihoon na ito.

"500 thousands, for more!" Dagdag niya sa chips.

"Good! What a about 1 million!" Diin ko naman at sadyang pinaninindigan ko ito.

"Irene!" Bulalas na ni Taehyung.

"Kapag nakipag pustahan ka, dapat marunong kang lumaban!" Kalmadong anas ko sa kanya.

"Alam mo bang lubog na sa utang sa'kin si Taehyung?" Taas kilay nito sa'kin.

"Babayaran ko! Magkano ba? Hundred thousands? Million dollars?" Tanong ko.

"Hindi ko alam kung saan man nanggagaling ang lakas ng loob mo pero pinapahanga mo ako, Ms. Irene!" Nanigarilyo ito sa aking harapan.

"Tapusin na lang natin ito!" Usal ko.

Inilantad niya sa aming harapan ang kanyang hawak na baraha.

King of hearts and Ace flowers ang hawak niya.

Inilantad rin ng dealer ang baraha na nasa aming gitna.

Nakahinga ako ng maluwag. Sa palagay ko ay may panalo ako.

Jackpot.

Laking gulat nila nang maipakita ko na ang aking hawak na baraha. Hindi ako nagkamali.

Panalo ako.

"Yes!" Sabi ni Taehyung.

"Wala nang utang si Taehyung sa inyo! Keep the change!" Huling sinabi ko bago tuluyan ko na rin kinaladkad paalis si Taehyung doon nang hinarangan kami ng Jihoon na ito sa aming dadaanan.

"Sa tingin mo ba ay basta na lang ako makakapayag sa pagkapanalo nyo?" Taas kilay nito sa'kin.

Sinasabi ko na nga ba at ganito ang mangyayari. Mabuti na lang at alisto ako.

"Sige, saktan nyo kami!" Lakas loob kong intrada sa kaniya at sa mga kasamahan nito.

"Better luck next time na lang, Jihoon! Unexpected na first time kang matatalo nitong Best Maid ko!" Pagmamalaki pa ni Taehyung.

Hindi ko alam kung naiintindihan nya ba na nasa kapahamakan na kami ng mga oras na ito o sadyang sarili lang niya ang iniisip nya.

"Aalis na kami kung ayaw nyong tumawag pa ako ng pulis!" Pagbabanta ko sa kanila.

May kilala akong police officer na maasahan sa ganito, dahil dati rin akong nasasangkot sa minor age clubbing ngunit hindi sa illegal na sugalan katulad nito.

"Actually nakatawag na nga ako!" Matigas kong sabi.

Nataranta silang lahat at hindi malaman ang kanilang gagawin nang masabi ko iyun. Saka kami nagkaroon ni Taehyung ng pagkakataon para makatakas sa kanila ngunit hindi ko lubos maisip na madadamay pala ako sa gusot na ginawa ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status