Share

CHAPTER 5.

TAEHYUNG'S POV.

AFTER ONE DAY.

BUMULABOG sa aking tenga ang isang malakas na alarm ng orasan kaya naman napabalikwas ako sa aking kinahihigaan.

"Arrray! Ang sakit sa ulo! Ano bang...." Hindi natuloy ang pagtatanong ko nang magsalubong agad ang mga tingin namin ni Yaya.

"Yaya gusto mo bang mayabog kita dyan? Haisst, walang sense of humor man lang na may natutulog dito!" Pag iling ko at bumalik ako sa aking pagkakahiga.

"Bumangon ka na dyan, Young Monster bago pa magdilim ang paningin ko sa'yo at hilahin ko yang buto-buto mong katawan para makabangon dyan!" Bungad nya sa'kin at umiirap talaga sya.

Ganu'n ba nya takutin ang mga nagiging Amo nya? Mas matapang pa sya sa nagpapasahod sa kanya. Kainis na Yaya!

"Anong Young Monster ka dyan?" Kunoo't noo ko sa kanya at nakatingin lang ako sa kanya.

"Wag ng maraming tanong! Bumangon ka na dyan okay!" Hinihila nya ang aking braso.

"Ayoko! Get out of this room and leave me alone, okay! " Taboy ko sa kanya.

Tingnan natin kung hanggang saan ang pagpapasensya mo sa Young & Wild Boss mo, Yaya.

"Ano ba Mr. Kim Taehyung, wag mo na nga akong pahirapan pa!" Reklamo nya.

"Suko ka na? You may go! Pwedi ka na rin lumayas dito sa pamamahay ko! Shu.. Shu... Shupeeee!" Taboy ko muli sa kanya.

"Bw!sit! Babangon ka ba dyan o hahampasin pa kita ng stick?" Kukuha sana sya ng stick kung saan ngunit agad ko syang napigilan.

Sa pagpigil ko sa kanya ay malakas ko syang nahila at natumba kami sa kama. Sya naman ngayon ang nasa ibabaw ko at lalong nagkalapit ang mga mukha namin dahil nakapulupot ang mga paa nya sa aking paa.

"Nananadya ka ba talaga?" Singhap niya sa'kin.

Aba tingnan mo nga naman, may mabangong hininga ang isang tulad nya?

Bakit kapag nakikita ko ang pagmumukha niya ay parang na-aalala ko sa kanya si Mommy?

"Taehyung-ah! Gising na!" Narinig kong tinig ni Mommy.

I mean, parang may resemblance sila ni Mommy.

"Kainis!" Balya ko sa kanya sa isang tabi at tuluyan na akong bumangon.

Natauhan ako bigla sa pagmumultong tinig ni Mommy.

Pinagpawisan ako bigla ng sobrang lamig pero mainit ang pakiramdam ko sa paglabas ko mula sa aking kwarto.

Hindi ko maipaliwanag ang ganu'ng klase ng pakiramdam dahil ngayon lang naging ganito ang eksena ko sa Yaya ko.

DINNING AREA.

Binisita ko ang nakahandang pagkain sa lamesa.

Tinapay? Bacon? Cheese? Hotdog? May Chocolate Brewed pa?

Anong akala nya sa'kin Kindergarten at sa Primary School pa lang pumapasok para ganito ang umagahan ko?

"Yaya........ aaaaaa...!" Paghiyaw ko sa buong bahay.

"Hoy pwedi ba hinaan mo ang boses mo, Agang aga!" Reklamo nya.

"Ito ba ang Breakfast food ko in this morning?" Taas kilay ko.

"Nakikita mo pala bakit nagtatanong ka pa!" Tugon niya.

"Hoy anong akala mo sa'kin batang 8 y/o na kumakain pa ng ganito?" Baling ko sa kanya.

"Hindi ba't isip bata ka naman talaga! Bagayan mo sa pagkain para mas lalong mag immature ka!" Pag irap pa nya.

Sumasagad ang pasensya ko sa kanya.

"Fine!" Itinapon ko sa sahig ang lahat ng pagkain na nasa lamesa at saka ko ito inapakan.

Nanggagalaiti ako sa galit.

"Isip bata talaga! Ano bang Problema mo huh? Marami ang nagugutom at nagtitiis na wag mag umagahan ngayon tapos ikaw, inihanda ko na ang lahat ng pagkain mo, kakainin mo na nga lang ang Arte-Arte mo pa! Choosey ka pa!" Tuwid nyang sabi sa'kin.

"Wala akong pakealam sa sinasabi mo! Hoyy Yaya baka nakakalimutan mong sinusuwelduhan ka dito para asikasuhin ako ng naaayon sa gusto ko at hindi sapilitan na pakakainin mo ako ng Cheap na Breakfast Food mo! Ako ang Boss mo at ako lang din ang masusunod dito! Know your place, Yaya!" Diin ko sa kanya at tinalikuran ko na sya.

"Eh, Anong gusto mong ihayin ko para sa'yo, Young Monster?" Narinig kong tanong niya.

"Nakakawala ka ng gana! Get lost!" Hindi ko na siya nilingon pa.

Bumalik ako sa kwarto para asikasuhin ang sarili ko.

Mabilis lang akong naligo at nag ayos ng gamit ko para sa aking first day of being a college student.

As a college repeater. Nakakatamad kase mag aral.

"Gusto kong malinis ang buong bahay ko bago ako dumating! Linisin mo yung Underground Basement,  Swimming Pool sa Backyard at diligan mo ang mga hardin ni Auntie! Magluto ka ng maayos at linisin mo rin ang Kotse ko! After that ayokong makikita ko ang pagmumukha mo dito mamaya okay?" Matigas kong bilin sa kanya at tuluyan na akong umalis.

"A---no?" Gulantang niya.

"Narinig mo naman ang sinabi ko di'ba? Eng0t ka ba?" Naiinis pa rin ako sa kanya.

"As your say, Young Monster!" Nanlalabi niyang tugon.

"Good!" Akala nya siguro ay maiisahan nya na ako.

Pwest nagkakamali siya dahil nagsisimula pa lang ako na pahirapan siya.

IRENE'S POV.

Konting konti na lang talaga ang pasensya ko sa kanya. Bwisit na Young Monster na yun. Haissst agang aga bina- badtrip nya ako.

Kung hindi ko lang talaga kailangan magtago sa mga taong naghahanap sa'kin, hindi ko ipagsisik sikan ang sarili ko dito.

Wala na akong Choice kaya dapat panindigan ko na ito.

"Hoyyy Young Monster! Anong sinabi mo? Hindi ko magagawa ang lahat ng ipinag uutos mo!" Habol na hiyaw ko sa kanya hanggang sa Parking Lot pero tuloy ang pagpapaandar niya ng isa pa nyang Sports Car.

Bugahan ba naman ako ng usok ng tambutso sa mukha ko.

"Hrrrr.. Dem0nyo ka talaga!" Paghiyaw ko pa pero tuluyan na syang nakaalis.

Hayssst paano toh? Kaya ko bang gawin ang lahat ng ibinilin nya? Tapos ayaw nya akong makikita mamaya? Sino ba kase ang Auntie nya na nagmamay ari nu'ng Secret Garden set up sa Rooftop?

Irene... Kaya mo ito okay.

Ngunit sumasakit na agad ang aking likod sa paglilinis pa lamang ng Dinning area dahil sa ginawa nyang kalat at idinagdag pa niya sa aking linisin ang underground basement.

Huuuu... Ang hirap pala maging isang Yaya. Naalala ko tuloy si Yaya Maring sa Mansion namin, Kung paano ko sya utus-utusan at kahit matanda na sya ay sinusunod nya pa rin ako. Ngayon ko lang na realize kung gaano kahirap ang naging trabaho niya, sa akin pa lamang.

Grabe yung labahin ni Young Monster, may mabahong amoy ang kanyang puting damit na para bang sinadya niyang lagyan ito ng kung anong nakakasukang amoy.

Kainis talaga sya!

Dapat matapos ko ito bago magtagpo ulit ang landas namin ng Dem0nyong yun.

Halos inabot na ako ng ilang oras sa paglilinis at paglalaba pa lang.

"Woww Smell's good! Over all clean! Nagpa-General Cleaning agad si Tae?" Tinig ni Jungkook na kararating lang.

"Ah.. Oo!" Napapagod kong tugon.

"Pagod ka na yata, bakit ayaw mo munang magpahinga?" Lumapit sya sa'kin at kinuha ang hawak kong Vacume Cleaner.

"Kaya ko pa naman, Simple lang ito!" Kunwari ko pa pero yung totoo salamat at napansin nya ako.

"Take time to rest!" Sabi nya.

"Hindi pwedi, Baka lunukin ako ng buo ni Young Monster kapag nalaman nyang hindi pa ako tapos sa gawain ko pero nagpapahinga na ako!" Paliwanag ko.

"Ts, Ganun ba talaga sya magpahirap sa Yaya nya?" Naguguluhan niyang pagtataka.

"Parang ganu'n na nga!" Paghinga ko pa ng malalim.

"Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya kapag nakita ka nyang nagpapahinga! Just take a rest kahit 1 minute lang!" Pagpigil niya sa gagawin ko pa.

"Teka bakit ka nga pala narito? School Day nyo na di'ba?" Pagtataka ko.

"No! I am a Doctor now!" Pagpapakita nya sa'kin ng kanyang License certificate as a Intern Doctor.

Akala ko nag aaral pa lang sya, kung ganu'n isa na pala syang doctor.

Mabuti pa sya, may future na agad siya.

"Anyway pumunta talaga ako dito para kamustahin ka, unexpected na madadatnan pa kita dito, akala ko kase pinalayas ka na nya talaga kahapon pa!" Paliwanag nya.

"Ako mapapalayas nya ng ganu'n lang? Ts, sinong niloko nya! Hindi nya ako mapapasuko nang dahil lang sa pagiging isip bata niya!" Umiikot ang aking mga mata sa pagsalang sang ko sa kanya.

"Mukhang magtatagal ka nga dito because of your atittude, Your fighting spirit is good enough para mapatino mo ang Bestfriend namin!" Natatawang saad niya.

Bestfriend pa pala nila si Young Monster nang lagay na yun?

"Oh Saan ka pupunta?" Tanong nya ng balak ko na umalis at pumunta sa susunod kong lilinisin.

"Sa Basement!" Tugon ko.

"Huh, Pati rin ba iyun ay pinapalinis na niya?" Pagtataka nya.

"Oo eh!" Tugon ko naman.

"First Time yata na may makakapasok sa lugar na yun?" Pag iisip pa nya.

Ano bang meron sa underground basement at parang nalilito siya sa gagawin kong paglilinis doon?

"Kumain na muna tayo, Hindi pa kase ako nag uumagahan!" Pagkalam ng sikmura niya.

"Ah.. Sige, Ipaghahayin kita!" Sabi ko.

"No need, kaya ko ang sarili ko at saka si Taehyung ang boss mo dito at sya lang ang dapat pagsilbihan mo! We can be Friends, if you don't mind!" Sabi niya at kinamayan ako ng pormal.

Haysss mabuti pa sya at kaibigan ang turing nya sa'kin kahit Yaya ako ng kanyang itinuturing na Bestfriend.

Magkakaiba talaga ang personalities ng bawat isa sa kanila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status