Share

CHAPTER 4.

JIMIN'S POV.

...

NAMATAY sa isang matinding aksidente ang mga magulang ni Taehyung last 5 years ago at simula noon ay inampon na sya ni Auntie, pinatira niya ito sa kanyang mansion at ibinigay ang lahat ng luho kaya ganoon na lamang ang kanyang pag uugali.

Uhaw siya sa atensyon ng ibang tao at sa pagmamahal ng kanyang mga magulang. Simula nang makilala namin siya ay sadyang mataas na ang tingin nito sa sarili niya.

Hindi ko rin alam kung kinikilala pa ba niya kami bilang kaibigan nya o kung ano pa man.

Sa pagtagal ng panahon ay hindi na namin siya nauunawaan sa pagiging makasarili at ang pagiging magastos niya para lang sa walang kwentang mga bagay-bagay.

Hanggang sa nagkaroon si Auntie ng maraming business trip kung kaya't kami ang napaghabilinan nito para alagaan at disiplinahin siya.

Ngunit hindi ko inaasahan na titindi ng ganito ang pag uugali nya.

"Illegal gambling in my night club? Seriously?" Pamamay-awang ko sa kanilang harapan ni Irene habang nakaupo sila.

Tumayo siya at balak nang mag walk out.

"Kinakausap pa kita, Taehyung!" Pinabalik ko siya sa kanyang kinauupuan at sumunod naman siya.

"Bakit hindi si Irene ang sisihin mo? Tutal naman sya yung naka diskubre ng illegal na pasugalan doon sa club mo!" Pagbibintang niya kay Irene.

"Hindi ka talaga nakaka intindi!" Sinapok siya ni Irene.

"Ano ba? Kanina ka pa huh! Nasasaktan na ako!" Pasigaw niyang singhal sa Yaya nya.

"What's going on here?" Pagdating ni Jin.

"Yan! May kalokohan na naman ginawa! Nakisali sa iligal na pasugal ni Jihoon at sa Nigh Club ko pa ginanap!" Mapapa mura na sana ako kaya lang ayokong bumigkas ng salita na alam kong ikakasakit nila.

Galit lang talaga ako sa nangyayaring ito kay Taehyung dahil kahit ang inosenteng Yaya niya ay nadadamay sa kanyang kalokohan.

"Ano ba sa paliwanag ko ang hindi nyo maintindihan?" Bulalas pa nito sa amin.

"Hindi ka pa tinatanong, nagpapaliwanag ka na! Napaghahalataan ka!" Pag iling ko pa sa kanya.

"Wala akong kasalanan! Pumunta lang ako sa club para magsaya!" Paglilinaw niya.

"Imbis na pag aaral ang inaatupag mo, nag night club ka pa talaga!" Sumbat ko sa kanya.

"What about you Irene? Anong ginagawa mo sa Night Club ni Jimin?" Kalmadong tanong naman ni Jin.

"As usual para manghuthut ng pera sa mga mayayaman na naroon!" Singit ni Taehyung.

"Ganyan pala kakitid ang utak mo! Palibhasa sarili mo lang ang iniisip mo! Baka nakakalimutan mo na kung hindi dahil sa'kin, sa malamang ay baka sa kulungan na ang tirahan mo ngayon dahil sa pinagkaka utangan mo!" Diin na paliwanag ni Irene na agad naming ikinalito ni Jin.

"Ano???" Gulantang pa namin dalawa.

"Higit pa sa isang milyon ang utang nya sa Park Jihoon na iyun, mabuti na lang alisto ako at magaling ako sa ganoong sugal!" Pagmamalaki pa ni Irene.

"Are you proud of it? Where did you get the money?" Kunoo't noo ko sa kanya.

Inihagis sa'kin ni Taehyung ang black card na kanina pa niyang hawak.

"Tingnan nyo kung kaninong pag mamay ari iyan! Ipakulong nyo na itong babaeng ito dahil isa syang manggagamit, scammer!" Gigil na sabi nito.

Ngunit sa nabasa ko ay pagmamay ari ito ng Min's Family.

Kung ganu'n...

Hindi nagsisinungaling si Hoseok sa sinabi niya na anak ng isang Min's Royal Clan ang Yaya na ito ni Taehyung.

Who are you, Min Irene?

"Hindi na mahalaga kung saan nya ito nakuha but please naman, Taehyung! Tigilan mo na ang kagagawa ng gulo! Gusto mo bang pati ang nananahimik kong negosyo ay bumagsak rin dahil dyan sa pagiging pasaway mo!" Pagtutokoy ko sa kasalanan niya at itinago ko sa aking bulsa ang black card ni Irene.

Kung kinakailangan kong gumawa ng research or back ground check ay gagawin ko. Makilala ko lang kung sino talaga ang babaeng ito na pinagkakatiwalaan namin para sa ikakabuti ni Taehyung.

"Hindi nyo talaga ako naiintindihan!" Tumataas na tono ng pananalita ni Taehyung.

"Kung gusto mong intindihin ka namin, sana naman intindihin mo rin kami! Hindi sa lahat ng oras maipagtatanggol ka namin!" Saad ni Jin.

"Binayaran ko na nga ang utang mo, nagrereklamo ka pa! Ako pa ang idinidiin mo sa dapat kasalanan mo!" Usal ni Irene.

"Kung sa iyo pala ang black card na iyun, bakit namasukan ka pa dito sa'kin bilang isang Yaya? Kaya pala ang lakas ng loob mo pumusta ng milyones huh! Bakit hindi ka na lang umalis dito at gamitin mo yung mga napanalunan mo, magpaka layo layo ka kung saan hindi ko makikita yang pagmumukha mo!" Duro pa ni Taehyung sa kay Irene.

"Sa utang mo pa lang, imbonado pa ako!" Pakikipag talo naman nito sa kanya.

Sumasakit ang ulo ko sa kanila.

Under investigation ang Night Club ko tapos hindi ko pa alam kung saan ko sisimulan kilalanin ang buong pagkatao nitong Yaya na ito tapos ganito pa sila.

Simula nang dumating si Irene sa bahay na ito, sa palagay ko ay wala pa itong katahimikan.

Ewan ko na lang talaga sa kanilang dalawa.

"Babayaran ko, umalis ka lang sa pamamahay na ito!" Matigas na taboy sa kanya ni Taehyung.

"Hindi sya aalis dito!" Derektang sabi ko na ikinatahimik nila.

Naalala ko yung isang lalaki na dumating sa Police Station kanina.

Dumating siya bago pa ako makaalis dahil naghihintay ako ng recipients documents sa 10 days suspension ng aking Night Club kaya medyo narinig ko ang kanilang pag uusap ni Hoseok.

Nagtatanong iyun ng report tungkol sa paghahanap sa nagngangalan na Irene Min.

Sa tingin ko, may dahilan kung bakit nagpapanggap si Irene bilang isang mahirap.

"I mean, ni-hindi mo nga maasikaso ang pamamahay na ito kaya alam kong kailangan mo pa rin ang tulong ni Irene as a maid, di'ba, Jin?" Pangungumbinsi kong sabi.

"Yes it's true, lalo na't matatagalan pa si Auntie sa kanyang Business Trip!" Dagdag naman ni Jin.

"Kainis!" Pagdadabog ni Taehyung sa sofa pillows bago ito tuluyan na nag walk out.

"Salamat po sa tiwala nyo pa rin sa'kin!" Paggalang ni Irene sa amin ni Jin.

Bigla tuloy akong nailang sa kanya.

"It's okay, basta't huwag mo lang susukuan ang anak ni Lucifer!" Natatawa kong sabi.

"Just let me know kung kailangan mo ng tulong or may problema ka dito sa bahay!" Bilin ni Jin.

Tumango lang siya bilang tugon.

"I should go! Sasabay ka na ba Jimin?" Baling sa'kin ni Jin.

"Oo!" Tugon ko naman.

Inihatid pa kami ni Irene hanggang sa labas kaya nakonsensya ako na magbalak pang i-research kung sino talaga siya.

"Sa'yo na ito, Just be careful to Taehyung!" Pagbabalik ko sa kaniya ng kanyang Black Card.

"Salamat!" Ngumiti siya ng malapad.

"I trust you, Irene Min!" Ngumiti rin ako sa kaniya.

Hindi na narinig pa ni Jin ang aming pag uusap ni Irene dahil pinaandar na nito ang kanyang sasakyan.

In a Few Minutes.

Malaki ang aking pagtataka dahil tumigil kami sa isang small hub na madalas namin dayuhin ng inuman.

May pinagdadaanan ba itong si Jin kaya hindi sya masyadong nagpa epekto sa ginawa ni Taehyung kanina?

Dumating na si Jungkook, kaka-out lang sa Hospital dahil may training sya doon.

Nauna sya sa'min grumaduate ni Taehyung dahil seryoso talaga sya na makakuha ng master degrees as a doctor, someday.

Anyways...

"Ano????" Gulantang namin ni Jungkook sa sinabi ni Jin tungkol sa pagkakaroon ni Taehyung ng isang Yaya.

"Bakit hindi mo agad sinabi? Edi sana nu'ng umpisa pa lang, hindi natin nakilala pa si Irene!" Singhal ko sa kanya.

"Ano pa bang magagawa ko? May sarili rin akong buhay at hindi ako pinanganak para maging baby sitter ni Taehyung!" Lasing na agad siya dahil halata iyun sa pananalita nya.

"Maganda pa naman si Irene kung paaalisin na natin sya dahil sa l!ntik na bilin ni Auntie na dapat tayo ang mag asikaso kay Taehyung!" Usal naman ni Jungkook.

"I mean, si Irene pa lang ang tunatagal ng 24 hours kay Taehyung, it means napapatino nya talaga ang Rich kid na iyun!" Dugtong pa nito.

"Kailangan ba talaga natin magsakripisyo ng ganito dahil sa utang na loob natin kay Auntie? Haissst!" Buntong hininga ko sa kanila at napaparami na rin ang inom ko ng alak.

"Mananagot tayo nito kay Auntie kapag nalaman nyang hindi natin sinunod ang mga utos nya! Lagot na ang Monthly Allowance ko at baka lalong matuluyan na magsarado ang Night Club ko!" Naiiyak tuloy ako.

"Magbubukas pa naman ako ng bagong Restaurant!" Sumamo naman ni Jin.

"Dapat makuha ko na ang Doctor License ko bago pa malaman ni Auntie ang ginawa nyo!" Baling sa'min ni Jungkook.

"Kasalanan mo ito, Kim Seokjin!"

Pare-parehas na kaming nalasing.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status