Nabaling ang atensyon nila nang may pumasok. Natahimik silang lahat... sina Ninong Ken at Ninang Jonie ang dumating.“Bebe... James! Mabuti andito na kayo. Pasensya na, ngayon lang din kami nakapunta. Galing kami ng Singapore and we flew right away nang malaman namin ang nangyari kay Aria.” Dali-daling lumapit si Ninang Jonie kay Ninang Bebe para yakapin ito.“Ate Jonie, huhuhu...” hagulgol ni Ninang Bebe nang salubungin sa pinsan nitong si Ninang Jonie.“Si Aria... baka kung hindi na siya magising... natatakot ako...”“Wag kang magsalita ng ganyan, Bebe... magigising si Aria. Mabubuhay siya.” Pilit pinapakalma ni Jonie si Bebe.“I’m sorry, Bebe, kung sa akala mo ay pinabayaan namin si Aria. Pero hindi...” sabat naman ng mommy niya.“Wag mo muna akong kausapin, Ate Fe... ang mabuti pa, umalis muna kayo... kasama ang anak niyo.”“Ninang, please, you can’t do this to us. Wag mo naman kaming paalisin,” pakiusap niya.“No, Clarkson!... hindi ko mawari kung paano ko kayo titingnan sa mata
Last Updated : 2025-11-02 Read more