Napalunok siya.“Lola!” halos mapasigaw niyang saad, namumula ang pisngi. “Ano ba kayo…”Tumawa lang si Lola Beth na parang walang sinabing nakakahiya. Si Lolo Gregore naman ay napakamot ng ulo.“Sweetheart, binibigla mo ang mga bata,” saway nito pero may halong aliw ang boses.Sa kama, napahinto si Tyler. Kanina lang ay halos hindi ito makangiti, pero ngayon ay tila aliw na aliw sa reaksiyon niya.“Lola,” sabat ni Tyler, pilit na kalmado, “may sakit pa ako. Mukha ba akong may energy para sa mga ganyang plano?”“Excuse me?” mabilis na sagot ni Lola Beth. “Bakit, hindi ka na ba gagaling? Nakikita kong magaling ang nurse mo,” wika nito sabay kindat sa kanya.“Lola!” muli niyang reklamo.Ngunit mas lalo lang itong natawa.Lumapit si Lolo Gregore sa kama at bahagyang tinapik ang paa ni Tyler. “Magpahinga ka muna, iho. At ikaw,” baling nito sa kanya, “alagaan mo nang mabuti. Pero huwag mong hayaang abusuhin ka.”Napatingin siya kay Tyler. Tinaasan siya nito ng kilay na parang inosente.“Hi
Read more