“Salamat sa pagpunta, Tyler, Jolisa… Baka nakakaabala na ako sa inyo. Pwede n’yo na akong iwan dito.”Mahina ngunit taos-puso ang tinig ng mayor. Halatang pagod na pagod na sa lahat ng nangyari, sa kaguluhan, sa takot, at sa bigat ng mga katotohanang unti-unting lumalabas.“Pero mag-isa ka lang dito, Mayor,” nag-aalalang sagot ni Tyler.“Hindi… aalis din ako kaagad. Ligtas naman na si Paolo. Papabantayan ko na lang siya rito. Napapagod na din ako… Uuwi rin ako .”Nagkatinginan sina Tyler at Jolisa. Pareho nilang alam na hindi ganoon kadali ang sitwasyon.“Paano po si Pretzel? Ngayong nasa labas pa siya, baka kung ano na naman ang maisipan niya, lalo’t malaki ang galit niya kay Jolisa. Hindi natin alam ang nasa utak niya, Mayor.”Biglang natahimik ang matanda. Parang bawat salitang masasama laban kay Pretzel ay tumutusok din sa puso niya bilang ama. Masakit marinig ang katotohanan, ngunit wala siyang magagawa kundi tanggapin iyon.“Huwag kayong mag-alala,” saad niya matapos ang ilang sa
Read more