Ang huling sinabi ni Pretzel ay tila isang malamig na babala na dumikit sa balat niya, isang paalala na hindi ito titigil hangga’t hindi siya tuluyang napapatahimik.At doon… bumalik ang lahat. Parang biglang nabuksan ang isang pinto sa isip niya na matagal nang nakasarado. Isa-isang sumiksik ang alaala, mga pira-pirasong eksenang unti-unting nagiging malinaw.Naalala niya... Naalala niya kung bakit siya napunta sa ospital, Kung bakit siya nawalan ng malay. Hindi iyon aksidente, Pinagtangkaan siyang patayin ni Jolisa!Noong mga panahong mag-isa lang siya sa bahay. Noong akala niya ay ligtas siya. Hindi niya alam na may sariling susi si Pretzel… na malaya itong nakakapasok… na matagal na pala siyang minamanmanan.Kaya pala... Kaya pala palagi itong naroroon, Kaya pala tila hindi siya iniiwan. Hindi iyon pag-aalala, binabantayan siya, naghihintay kung kailan siya makakaalala, dahil magiging delikado iyon para kay Pretzel sakaling ibunyag niya ang lahat.Humigpit ang pagkakahawak niya sa
Ler mais