JOLISA'S POV: Maagang nagising si Jolisa na may mabigat na lungkot sa puso. Dati, sa bawat pagmulat ng kanyang mga mata, ang gwapong mukha agad ni Tyler ang bumabati sa kanya. Ngayon, mag-isa siya sa malaking kama na iyon. Dahil si Tyler ay nasa kabilang kwarto, sa tabi ng tunay nitong iniibig. Parang may mabigat na kamay na pumisil sa kanyang dibdib sa isiping iyon. Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili, ngunit lalong sumisikip ang kanyang nararamdaman.Mabigat ang loob niyang bumangon. Gusto sana niyang magkulong na lang sa kwarto, magkubli sa ilalim ng kumot at takasan ang lahat ng sakit na bumabagabag sa kanya.Ngunit hindi pwede. Kailangan niyang harapin ang dalawa kahit wala siyang mukhang ihaharap. Aalis na sila at uuwi sa rancho ni Lola Beth. Wala siyang pagpipilian kundi kumilos.Mabilis siyang nagtungo sa banyo at maglinis ng sarili. Pagkatapos ay nagsuot siya ng maayos na damit, piniling maging presentable kahit wasak ang puso niya sa loob. Isa-isa niyang
Read more