Pagpasok niya sa backstage, naroon si Daniel. Umiinom ito ng tubig habang pinapahiran ng pawis ng make-up artist. Nang makita siya, agad nitong pinaalis ang mga tao sa paligid.“Akala ko hindi ka na maghihintay,” nakangiting sabi nito.“Siyempre maghihintay ako. Ikaw na nga ang nagpahintay sa akin, eh,” biro niya.Napatawa si Daniel. “Sorry na. Duty calls.”“Okay lang. Sanay naman na akong maghintay,” nasabi niya nang hindi man lang iniisip.Bahagyang natigilan si Daniel, tila may napansin sa tono niya.“You okay?”Mabilis siyang ngumiti. “Oo naman.”Tinitigan siya nito nang ilang segundo. “Nope. Hindi mukhang okay ang isang taong ganyan ang ngiti.”Hindi niya alam kung bakit, pero parang gusto niyang magkuwento. Siguro dahil matagal na rin siyang walang ibang nakakausap na hindi konektado kay Tyler. Ngunit pinigilan niya ang sarili.“Gutom na ako. Tara na nga, kape tayo.”“Coffee lang? Libre mo na rin ako dessert.” biro niya."Oo, naman! Kainin mo ang lahat ng gusto mo. Siyempre magk
Magbasa pa