Nang makita ni Sebastian ang laman ng sobre, wala itong anumang naging reaksyon. Tahimik lang niyang isinara ang dokumento at dahan-dahang inilapag iyon sa ibabaw ng mesa.Lalong bumigat ang tensyon sa loob ng sala."Ano ang resulta, Dad?" hindi na nakatiis na tanong ni James.Nag-angat ng tingin si Sebastian sa lahat bago siya nagsalita. "Ayon sa DNA result na ito, anak nga ni Frazer si Catriona."Napalunok ang lahat.Samantala, lihim namang napangiti si Frazer. This is it.... Nagtagumpay siya.Napaniwala niya ang buong pamilya Blacksmith. Kaunting panahon na lang at tuluyan nang matutupad ang kanyang plano.Ngunit biglang napatayo si Tyler. "Kahit positive pa ang resulta niyan, hindi pa rin ako magpapakasal kay Catriona!"Nagulat ang lahat sa mariing pagtutol nito.Ngumisi si Frazer at sumandal sa kanyang upuan. "Well then, kung ayaw mo talagang pakasalan ang anak ko, Tyler, ayon sa kasunduan ng ating mga pamilya, kukunin na lang namin ang lahat ng ari-arian ninyo.""You're insane,
Read more