TYLER'S POV" Hindi mapakali si Tyler sa loob ng palasyo. Pakiramdam niya ay napakatahimik ng buong paligid nang wala sina Aria, Clarkson, at higit sa lahat, si Jolie. Hindi man lang siya isinama ng mga ito.Pero kung tutuusin, wala rin naman talaga siyang karapatang sumama. Siya mismo ang may kasalanan kung bakit ganoon ang nangyari.Habang tumatagal, lalo niyang nami-miss ang nobya. Ang totoo, nakita niya ang pag-alis ng tatlo kanina. Nasa silid siya ni Lolo Sebastian noon, nakatayo sa tabi ng bintana at tahimik na pinapanood ang sasakyang unti-unting lumalayo sa bakuran ng palasyo."Ano ba ang tinitingnan mo riyan? Kanina pa sila umalis."Napalingon siya kay Lolo Sebastian, na kasalukuyang nakasandal sa kama habang walang interes na nagbabasa ng magazine."H-Hindi naman sila ang iniisip ko, Lo," mabilis niyang pagsisinungaling.Napailing ang matanda at ibinaba ang hawak nitong magazine. "Wag mo na akong lokohin, apo. Ikaw itong nakipag-away sa nobya mo, tapos ikaw rin itong magmumu
Read more