Mag-log inNang makita ni Sebastian ang laman ng sobre, wala itong anumang naging reaksyon. Tahimik lang niyang isinara ang dokumento at dahan-dahang inilapag iyon sa ibabaw ng mesa.Lalong bumigat ang tensyon sa loob ng sala."Ano ang resulta, Dad?" hindi na nakatiis na tanong ni James.Nag-angat ng tingin si Sebastian sa lahat bago siya nagsalita. "Ayon sa DNA result na ito, anak nga ni Frazer si Catriona."Napalunok ang lahat.Samantala, lihim namang napangiti si Frazer. This is it.... Nagtagumpay siya.Napaniwala niya ang buong pamilya Blacksmith. Kaunting panahon na lang at tuluyan nang matutupad ang kanyang plano.Ngunit biglang napatayo si Tyler. "Kahit positive pa ang resulta niyan, hindi pa rin ako magpapakasal kay Catriona!"Nagulat ang lahat sa mariing pagtutol nito.Ngumisi si Frazer at sumandal sa kanyang upuan. "Well then, kung ayaw mo talagang pakasalan ang anak ko, Tyler, ayon sa kasunduan ng ating mga pamilya, kukunin na lang namin ang lahat ng ari-arian ninyo.""You're insane,
Samantala, lihim namang ngumisi si Frazer."Ginagalang ko ang opinyon ninyo, Uncle Sebastian," kalmadong sabi niya. "Pero sa pagkakataong ito, gusto ko ring sabihin ang katotohanan."Biglang nagkibit-noo ang lahat. Maging ang kanyang ama ay napatingin sa kanya, tila nagtataka kung ano ang susunod niyang ibubunyag.Unti-unti siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at inilapag ang isang kamay sa balikat ni Catriona."Si Catriona ay tunay kong anak.""What?"Halos sabay-sabay na napabulalas ang lahat.Mabilis na napatayo si Sebastian mula sa kanyang kinauupuan habang hindi makapaniwala ang mga mata nitong nakatitig sa kanina ni Catriona."Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ni James, bakas ang pagtataka sa mukha.Samantala, si Craig ay tila nawalan ng kulay. Hindi nito inaasahan ang rebelasyong iyon.Sa kabilang banda, bahagyang siyang napangiti. This is it... Ito na ang sandaling hinihintay niya. Kailangan lang nilang kumbinsihin ang mga Blacksmith para tuluyan nilang paniwalaan ang kasi
Naroon na sila sa tapat ng Blacksmith Estate nang mapansin ni Frazer ang itim na sasakyan ng kanyang ama na si Craig na nakaparada sa harapan ng mansyon. Bahagya siyang napabuntong-hininga. Ibig sabihin, mas nauna pa itong dumating kaysa sa kanila.Kung hindi lang sana sila hinarang ni Arthur at ng mga tauhan nito, kanina pa sana sila nakarating. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isip niya ang mga binitiwang salita ng lalaki... ang pagbabanta nito kay Catriona at ang pilit na paggigiit na mapunta dito ang dalaga.Napahigpit ang hawak niya sa manibela bago siya tuluyang bumaba ng sasakyan. Lumingon siya kay Catriona na tahimik na nakaupo sa tabi niya. Kitang-kita niya ang kaba sa mukha nito, pero pilit itong nagpapakatatag."Are you ready, anak?" mahinahon niyang tanong.Huminga nang malalim si Catriona bago siya tumingin sa ama."Let's do this, Dad. Gagawin natin ang lahat ng paraan para mapapayag ang mga Blacksmith. Para hindi ka na guluhin ng Arthur na 'yon at para hindi na rin ak
Nang tuluyan nang makaalis ang mga tauhan ni Arthur, saka lang nakahinga nang maluwag si Frazer. Ngunit kasabay ng pagkawala ng mga ito ay ang bigla ring pagkawala ng natitirang lakas sa kanyang katawan.Nanghina ang kanyang mga tuhod hanggang sa tuluyan siyang napaluhod sa gitna ng kalsada. Yumuko siya at napahawak sa kanyang dibdib habang pilit na inaayos ang kanyang paghinga."Dad!" sigaw ni Catriona.Agad itong lumapit at lumuhod sa tabi niya. Nanginginig ang mga kamay habang hinahawakan ang mga balikat niya."Who are those guys, Dad? Bakit ka nila tinatakot? Bakit parang may utang ka sa kanila?" sunod-sunod niyang tanong, bakas ang takot sa kanyang mukha.Ngunit lalo siyang napaiyak nang maalala ang sinabi ni Arthur."At saka... ayaw kong sumama sa lalaking iyon, Dad. Huwag mo akong ibigay sa kanya. Please... ayokong sumama sa kanila." Napahagulhol siya habang mahigpit na niyayakap ang ama. "Please, Dad..."Napapikit si Frazer habang pinakikinggan ang bawat hikbi ng dalaga. Pakir
Pagkatapos nilang magbihis ay agad silang sumakay sa kotse. Paglabas ng kanilang sasakyan sa gate ng mansyon ay bigla silang hinarang ng isang itim na SUV na mabilis na huminto sa kanilang harapan. Umalingawngaw ang matinis na tunog ng preno sa katahimikan ng gabi.Hindi pa man tuluyang nakahuma ang mga nasa loob ng kotse ay isa-isang bumukas ang mga pinto ng SUV. Agad na bumaba ang ilang armadong lalaki na nakasuot ng itim. Walang bakas ng emosyon ang kanilang mga mukha habang mahigpit na hawak ang kanilang mga baril.Biglang napahawak si Catriona sa braso ng kanyang ama. Nanlamig ang buo niyang katawan."Dad... who are they?" nanginginig niyang tanong.Hindi agad nakasagot ang kanyang ama. Kahit siya ay hindi maitago ang takot na unti-unting bumabalot sa kanyang dibdib. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang mahigpit na nakahawak sa manibela.Ngunit lalo siyang natigilan nang makita ang lalaking dahan-dahang bumaba mula sa likurang bahagi ng SUV.Nanlaki ang kanyang mga mata. "A-
FRAZER'S POV:Kasalukuyan siyang nakaupo sa malawak na balkonahe ng kaniyang mansion habang dahan-dahang humihigop ng mainit na kape. Napakaganda ng gising niya nang umagang iyon. Mula sa kinauupuan ay tanaw niya ang malawak na hardin, pero mas abala ang isip niya sa nalalapit na pakikipagpulong sa pamilya Blacksmith.Sigurado siyang magiging matagumpay ang lahat. Pakiramdam niya ay wala nang kawala ang mga ito sa oras na mailabas niya ang DNA result na hawak niya. Dalawa lang ang maaaring mangyari... ipapakasal si Catriona kay Tyler o mapupunta sa kaniya ang malaking bahagi ng ari-arian ng mga Blacksmith. Kahit alin pa roon, siya pa rin ang panalo.Malawak ang ngiti na sumilay sa kaniyang mga labi habang iniisip ang posibilidad na tuluyan nang mapasakamay ang kapangyarihang matagal na niyang inaasam. Sa isip niya, karapatan niya ang lahat ng iyon. Naniniwala siyang dahil anak niya si Catriona, natural lang na siya rin ang dapat magkaroon ng impluwensiya sa pamilya Blacksmith.Agad ni
ROSABEL DIMAKULANGAN's POV:Sakay siya ng bus papuntang Manila, galing siyang Baguio. Pinapapapunta siya ni Mam Jenna sa mansion sa hindi niya alam na kadahilanan. Mayordoma sa mansion ng mga Enriquez ang nanay niya. Ang mga Enriquez din ang nagpapaaral sa kanya sa kolehiyo at nagpapasalamat siya d
Si Hazel ang nag-order ng kape nila. Hinintay niya na lang ito sa pangdalawahang upuan doon. Ang mga empleyado na napapadaan sa kanila ay pinapansin naman siya pero may kakaibang tingin na hindi niya mawari.“Ma’am Fe, eto na ang kape natin.” Umupo ito sa tabi niya saka nilapag ang kape. May dalawa
"Tandaan mo ang sinabi ko, Gray! Kapag nalaman ko lang na pinabayaan mo si Rosabel sa school niyo, ay ikaw ang mananagot sa akin!" Matigas na paalala nito saka tumayo at naglakad papunta ng pinto.“And one more thing…” Sandaling tumigil ito at humarap sa kanya. “Samahan mo siya sa Baguio this weeke
Sandaling katahimikan ang namayani sa silid. Wala ni isa ang gustong magsalita. Maging si Tyler ay tahimik lang, nakatayo sa gilid na para bang malalim ang iniisip. May kung anong pait sa kanyang mga mata na hindi niya maintindihan. Hindi ba dapat masaya ito? Kanina lang ay siya pa ang nagsasabing







