Nang umalis na si Dylan ay muli na naman siyang mag-isa doon. Parang ayaw niyang pumasok sa susunod nyang subject. Mugto ang kanyang mga mata at gusto na lang magpahinga.Nang masiguradong wala na si Dylan ay pumunta siya sa parking at sumakay sa kanyang kotse. Uuwi na lang siya at doon magmukmok. Mas gugustuhin pa niya iyon kaysa sumama kay Dylan.Habang nagda-drive ay tumawag ang kanyang Daddy. Klinaro muna niya ang kanyang lalamunan bago sagutin ang tawag."Hello, Dad?""Hello, anak... nasaan ka?""I’m driving, Dad.""Ah, ganun ba... Nabigay na namin ang pinapabigay mo kay Finn pero hindi niya alam na galing 'yon sa'yo. Iniiwasan niya kami ng Mommy mo. Baka may tampo siya sa amin."Ako din, Dad, may tampo sa inyo... Gusto niyang sabihin sa Daddy niya iyon pero pinigilan niya."Kamusta na siya, Dad?""He is okay, anak... 'Wag ka nang mag-alala sa kanya.""Yeah, nakita ko nga na okay siya, Dad. Sabi pa nga niya na graduate na din siya sa pagmamahal niya sa akin..." Hindi niya napigil
Terakhir Diperbarui : 2025-07-23 Baca selengkapnya