Agad siyang napaupo ng tuwid. Dahil sa pagkataranta ay na-out balance siya at muntik nang mahulog sa kinauupuan. Maagap namang lumapit si Finn para saluhin siya. Hindi niya alam kung paano ’yon nagawa ni Finn na makalapit agad nang ganoon kabilis.Mabilis siyang bumitaw sa pagkakahawak nito, para kasi siyang napaso. It's been what? Three years?“Ahm, ano ang ginagawa mo dito?” tanong niya habang inaayos ang damit na nagulo. Nakatayo sila malapit sa isa't isa kung kaya't umupo ulit siya sa kanyang upuan. Parang nawalan ng lakas ang mga paa niya nang makita si Finn.“Ako ang bago mong bodyguard,” walang emosyong sabi nito. Parang nagbago na si Finn, hindi na ito ang dating palangiti at masayahin na nakilala niya.“Huh, ah, eh, hindi pwede!”“Bakit hindi pwede? Ako ang pinadala ng tatay ko na bagong mong bodyguard dahil sinisante mo agad ang bodyguard mo.”Biglang nag-init ang ulo niya sa pamamaraan ng pagsagot ni Finn sa kanya. Alam ba nito ang nangyari bago ito magsalita ng masama sa k
Terakhir Diperbarui : 2025-07-28 Baca selengkapnya