Nagdaan pa ang mga araw, at buhay estudyante na ulit sila. Tapos na ang pressure nila sa basketball dahil nanalo na sila. Ang graduation naman nila ang pinagtutuunan nila ng pansin, at gaganapin na next month. Kasalukuyan siyang papunta sa gym dahil nagpatawag ng meeting si coach. Hindi pa niya alam kung para saan ang gaganapin nilang meeting. "Finn! Andito ka na pala... Ikaw na lang ang hinihintay." tawag ni coach. Nandoon na ang mga kasamahan niya sa team at ang mga cheerleaders, kabilang na si Shelie at ang mga barkada nito. "Anong meron, coach? Para saan ang meeting?""Wala naman... Natuwa lang sa atin ang school sa pagka-grandslam nating panalo, kaya nagbigay sila ng budget para sa ating celebration. Ito na din ang huling laro ng mga senior players natin, kasama ka, Finn, kaya parang despedida na din ito.""Really? Wow! Saan ang celebration natin, coach?""Bago ka pa dumating, ay nag-suggest na sila na sa beach...""Go ako d'yan!" mabilis na sagot nya"Coach, sama din kami, d
Terakhir Diperbarui : 2025-07-18 Baca selengkapnya