Pagpasok niya, nasa sofa ang mommy at daddy niya na parehong nanonood ng TV.“Hello, Mom. Hello, Dad,” bati niya. Humalik siya sa mga ito pero nanatiling tumayo. Wala siyang planong tumagal doon, gusto niyang mapag-isa sa kanyang kwarto.“Oh iha, kumusta naman ang first day mo sa boutique?”Napasimangot siya. Ang daming nangyari sa araw na ’yon... ang pagkasnatched ng wallet niya, pero naging maayos naman sa huli at siguradong hindi na mauulit dahil si Finn na ang bodyguard niya.“I’m okay, Dad. May konting nangyari lang kanina pero naayos din naman agad.”“Oo nga eh, tumawag si General at sinabi ang nangyari. Si Finn na ba ang bago mong bodyguard? Siya ba ang naghatid sa ’yo ngayon? Bakit di mo man lang siya pinapasok?”Sa dami ng tanong ng daddy niya, mukhang wala itong balak tantanan siya. Halatang gusto pa nitong makipag-usap nang matagal.“Pasalamat ka nabigyan ka ng oras ni Finn. Sa sobrang busy ng batang ’yon, siya pa ang nagpapatakbo ng security agency nila. Bilib din ako sa b
Terakhir Diperbarui : 2025-07-30 Baca selengkapnya