FINN'S POV:Lihim siyang nakatingin kay Vanessa na mukhang tuwang-tuwa dahil sa akala nito ay nabilog nito ang ulo niya.Pwes, nagkakamali ka, Vanessa. Hindi ako nag-aral ng pagka-pulis at PMA kung isang babae lang ang manloloko sa akin... wika niya sa isip.Nararamdaman niyang may ginagawang kababalaghan si Vanessa. Hindi pa niya alam kung ano 'yon pero sa oras na malaman niya, ay malalagot sa kanya ang babaeng ito. Nagtitiis lang siya dahil kahit papaano ay family friend pa rin nila ang pamilya ni Vanessa."Ahm Finn, tulungan mo naman akong humiga sa kama," sabi ni Vanessa."Bakit kasi sinisante mo ang nurse mo? Alam mo namang hindi mo pa kaya...""Eh andiyan ka naman eh. Dito ka na nga titira, 'di ba?" malambing nitong sabi.Lumapit siya at tinulungan itong makasampa sa kama. Ang kamay nito ay nangunyapit sa kanyang leeg. Sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya. Hinalikan siya ni Vanessa sa pisngi saka ngumiti."Stop it, Vanessa!" saway niya."What? Palagi ko naman 'yan ginagawa
Last Updated : 2025-08-05 Read more