LILLY'S POV:It’s been a week. Pitong araw na wala pa ring balita mula kay Daddy na gising na si Finn. Araw-araw siyang nananalangin, umaasa na sa susunod na tawag ay sasabihin nitong gising na si Finn. Pero wala. Nanatili siyang nasa coma state.Hindi niya na alam kung gaano pa kahaba ang kaya nyang hintayin. Kahit pa sinabi na nahuli na ang lahat ng kalaban, kahit wala nang banta sa buhay nila, hindi pa rin sya makakauwi. Hindi niya alam kung alin ang mas mabigat.... ang pangambang baka hindi na magising si Finn, o ang sakit na wala siya sa tabi nito habang lumalaban sa buhay.Bigla siyang napatingin sa pinto ng kwarto niya nang may kumatok. Bumukas iyon at pumasok si Ate Rosabel. Medyo malaki na ang tiyan nito, at halatang nahihirapan na rin sa pagbubuntis.“Lilly…” nakangiting lumapit ito sa kanyaAgad siyang lumapit at inalalayan si Ate Rosabel. “Ate, dapat nagpapahinga ka. Bawal ka masyadong mapagod,” sambit niya.Ngumiti ito. “I’m okay, Lilly, wag mo akong aalalahanin. Andiyan
Huling Na-update : 2025-08-29 Magbasa pa