Lahat ng Kabanata ng The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]: Kabanata 21 - Kabanata 30
65 Kabanata
Chapter 21
“Zanella!” Galit na tawag ni Alexander sa kanyang asawa kaya napalingon ito sa kanyang direksyon. “Alexander!” Tawag ni Zanella at mabilis na tumakbo patungo sa kinatatayuan ni Alexander. Ramdam ni Zanella na gahibla na lang ang pagitan nila ng asong humahabol sa kanya kaya nai-pikit na lang niya ang kanyang mga mata sabay dambâ sa kanyang asawa. “S**t!” Ang tanging nasambit ni Alexander ng sabay silang bumagsak sa lupa ni Zanell. Napangiwi pa ang mukha nito dahil sa sakit mula sa pagkakabagsak nila sa lupa. Habang si Samantha ay natatakot na umatras. “Sit!” Matigas na sabi ni Alexander pagkatapos nitong sumipol. Sumunod naman ang aso kay Alexander ngunit kapansin-pansin ang masamang tingin nito kay Zanella. Hingal kabayo na nagmulat ng kanyang mga mata si Zanella habang mahigpit na nakayakap sa ulo ng kanyang asawa kaya ang mukha nito ay mariǐn na nakabaon sa pagitan ng kanyang dibdib. “Muntik na ko dun, huh! Bakit ka ba nagagalit sa akin eh hindi naman ako ang nanakit sayo
Magbasa pa
Chapter 22
“May problema ba?” Nag-aalala na tanong sa akin ni Zanella ng bigla na lang itong sumulpot sa likuran ko. Kanina pa kasi ako nakatulala sa kawalan habang iniisip ang mga nangyayari sa buhay ko. Masyadong kumplikado ang lahat lalo na pagdating sa amin ni Samantha.“Flashback…Pak! Pak! Mag-asawang sampal ang natanggap ko mula kay Samantha, namumugto ang mga mata nito dahil sa labis na pag-iyak. “Bakit mo nagawa sa akin ‘to? Tell me, ano ang kulang sa akin, Alexander?” Ang tinig nito ay puno ng hinanakit, at makikita mula sa kanyang mga mata ang matinding sakit.“I’m sorry, believe me, hindi kita niloko, naipit lang ako sa sitwasyon na ito. Gustuhin ko man na ituloy ang kasal natin ay hindi na pwede dahil kasal na ako kay Zanella.” Malungkot kong sagot, mas pinili ko na lang ang tumingin sa sahig kaysa ang makita itong nagdurusa. Kahit papaano ay may pinagsamahan pa rin naman kami ni Samantha at totoong minahal ko rin siya. Naging tapat din naman ako sa kanya at thankful ako dahil ibini
Magbasa pa
Chapter 23
Alexander’s Point of View “Taga Siyudad ka pero hindi ka marunong gumamit n’yan?” Hindi makapaniwala na tanong sa akin ni Zanella habang nakatayo ito sa gilid ng washing machine, para itong bata na naiinip sa paghihintay kung kailan gagana ang washing. “Could you please shut up! Manood ka na lang, okay? Napipikon kong sabi bago muling sinuri ang mga nakasulat sa washing machine. Muli kong pinindot ang button ngunit ayaw talagang bumukas nito.“Paanong masisira ang washing machine na ito gayong taon-taon ay nagpapalit ng mga gamit si Mama?” Naiinis kong tanong habang sinusuri ang katawan at loob ng washing machine.“Sayang naman, ang ganda-ganda pa naman nito at halatang bago pa.” Malungkot na turan ni Zanella, “baka naman hindi mo talaga alam kung paanong gumamit nito?” Nagdududa na naman niyang tanong sa akin, parang gusto ko ng mainis dahil ang kasama ko ay tila isang batang mahirap na umintindi. Hindi ko na lang ito pinansin at inisa-isa ko na lang ang lahat, umupo ako at sinur
Magbasa pa
Chapter 24
Paglabas ni Alexander mula sa mamahaling sasakyan ay sumalubong sa kanya ang may nasa dalawang daang empleyado ng Aragon Real estate & Development Corporation. Ilang segundo lang ay may huminto pa na isang sasakyan sa bandang hulihan ng kotse ni Alexander. Mula roon ay taas-noo na bumaba ng sasakyan ang mag-inang Esmeralda at Patricia. Ito ang kanilang gusto ang makuha ang atensyon ng lahat dahil sa taas ng tingin nila sa kanilang mga sarili. Ipinagkibit-balikat na lang ni Alexander ang presensya ng kanyang tiyahin at ng kanyang pinsan. Hindi naman kasi niya pwedeng pagbawalan ang mga ito na magpakita ng interest sa kumpanya dahil may mga shares pa rin sila dito. Ibinaling na lang niya ang atensyon sa mga board member na naghihintay sa bungad ng kumpanya. Halos i-isang tao na yumuko ang lahat at bumati sa kanila habang nakapaskil ang magandang ngiti sa kanilang mga labi. Masasalamin sa mga mata ng kababaihan ang labis na paghanga para kay Alexander at ang ilan pa sa kanila ay wari m
Magbasa pa
Chapter 25
“Miss Zanella, may mga bagong deliver ng bulaklak ang dumating para sayo.” Ani ng kasambahay na siyang nagpahinto sa akin sa pag-akyat ko sa hagdan. Nagtataka na hinarap ko ito, ngunit, pagkatapos na sabihin iyon ay kaagad na itong umalis. Wala na akong nagawa kundi ang lumabas ng bahay para malaman kung ano ang sinasabi nito. Nanlaki ang aking mga mata ng tumambad sa paningin ko ang napakaraming bulaklak. “Hi Ma’am, good morning, para po kay Ms. Zanella Aragon?” Ani ng isang lalaki habang buhat nito ang iba pang bungkos ng bulaklak. Pagkatapos na maibaba nito ang mga bulaklak sa sahig ay nakangiti ang lalaki na inabot nito sa akin ang isang papel kasama ang ballpen. “Paki-sign na lang po ma’am.” Magalang na sabi nito habang nanatiling nakatitig sa mukha ko ang lalaki. Ni halos hindi na yata ito kumukurap, bigla akong napalunok ng walang sa oras at ibayong kabâ ang naramdaman ko dahil hindi ako marunong pumirma. Nagtaka ang lalaki kung bakit nakatitig lang ako sa papel at hindi gu
Magbasa pa
Chapter 26
Alexander Point of View “Mamâ, where’s Zanella?” Ito agad ang tanong ko pagkarating ko ng bahay galing trabaho. Late na ako nakauwi dahil sa dami ng trabaho na hinarap ko buong maghapon.“Naku, iho, hanggang ngayon ay nandoon pa rin sa likod ng bahay si Zanell at nagtatanim. Puntahan mo kaya baka sayo makinig ang batang ‘yun.” Nakangiti na sagot ni Mamâ sa akin. Isa sa napansin ko sa aking ina ay simula ng dumating ang asawa ko dito lagi na itong nakangiti. Well hindi maikakaila na magkasundong-magsundo ang dalawa. Pagkatapos kong iabot ang attache case at suit sa katulong ay tumungo ako sa likod bahay upang puntahan ang makulit kong asawa. “Ano naman kaya ang itinatanim ng isang ‘yun at kahit gabi na ay ayaw pa rin nitong tigilan?” Ani ko sa aking isipan.“Wow! Natapos din kita!” Narinig kong bulalas ni Zanella sa di kalayuan, bigla, lumitaw ang isang matamis na ngiti sa mga labi ko ng masilayan ko ang maganda at sexy kong asawa. “Sweetheart, what are you doing there?” Ani ko sa m
Magbasa pa
Chapter 27
“What are you doing here?” Nanggigigil na tanong ni Alexander kay Samantha habang hawak ito ng mahigpit sa kaliwang braso. “Why? Dahil hindi ka maka score sa babaeng iyon?” Nang-uuyam na sabi si Samantha habang ang mga mata nito ay nanlilisik sa galit na nakatitig sa mukha ni Alexander. “Shut up, Samantha, huwag mong sagarin ang pasensya ko, nag-usap na tayo tungkol dito di ba?” Naiinis na sabi ni Alexander saka marahas na binitawan ang braso nito. “And do you think ay hahayaan na lang kita dito na magpakasarap sa bata mong asawa? Hell, no! Alam ko ang karakas mo at nakikita ko na gusto mo na rin siya kaya hindi ako papayag na maghihintay na lang kung kailan mo maaalala? Remember, ako dapat ang nasa pwesto ng babaeng ‘yan!” Nanggigigil sa galit na turan ni Samantha. “Ahm, hello, kanina pa ako naghihintay sa loob akala ko ba sabay tayong maliligo?” Biglang singit naman ni Zanella habang nakadungaw pa sa nakaawang na pintuan ang ulo nito. Isang nakamamatay na tingin ang ibinato
Magbasa pa
Chapter 28
“How did that happen?” Di makapaniwala na tanong ni Alexander habang matapang na nakatitig sa mukha ng seryosong si Samantha. “You f**k me?” Nang-uuyam na sagot ni Samantha kaya lalong nagpupuyos ang kalooban ni Alexander. “Sagutin mo ako ng maayos, Samantha! Because we know na maingat ako, and besides you're the one who doesn’t want to get pregnant.” Matigas na pahayag ni Alexander na halatang hindi ito naniniwala, galit na tumayo si Samantha at tinawid ang kanilang pagitan. “Pagkatapos mong mag pasarap sa katawan ko ngayon ay hindi mo tatanggapin ang batang ito?” Nanggigigil na tanong ni Samantha sa kanya na gahibla na lang ang layo ng kanilang mga mukha. “Hindi ko sinasabi na hindi ko tatanggapin ang batang ‘yan! Ngunit napakaimposible ng sinasabi mo na nabuntis kita.” Matatag na sagot ni Alexander na may bahid ng pagdududa. “Whether you like it or not ay kailangan mong panagutan ang batang ito kung ayaw mong makaladkad ang pangalan ng mga Aragon sa malaking eskandalo.” Di nati
Magbasa pa
Chapter 29
Araw ng Lunes at nakatakda ang pangalawang pagbasa ng last will ni Don Rafael. Kaya ang buong pamilyang Aragon ay magti-tipon-tipon sa Mansion upang pakinggan ang huling habilin ng yumaong Don. Mula sa harap ng Mansion ay humimpil ang dalawang mamahaling sasakyan. Mula sa unang itim na kotse ay kaagad na binuksan ng mga alalay ang pintuan upang makababa ang pamilya ni Esmeralda. Taas-noo na lumabas ng sasakyan ang mag-ina habang sa hulihan ng mga ito ay ang padre de pamilya, si Lucio. Mula sa kabilang sasakyan ay tahimik na lumabas si Mr. Manuel at ang asawa nitong si Gracia na may matamis na ngiti na nakapaskil sa namumula nitong mga labi dahil sa kapal ng lipstick na gamit nito. Pagkababâ ni Athan mula sa sasakyan ay si Zanella kaagad ang hinanap ng kanyang mga mata ngunit bigo ito na makita ang dalaga. Kaya, naman nalungkot ang mukha nito. Maingat ang mga hakbang na halos sabay na pumasok sa loob ng kabahayan ng mansion ang buong mag-anak. Pagdating sa sala’s ay nanlaki ang mga
Magbasa pa
Chapter 30
“Mas pipiliin ko pa si Samantha kaysa sa babaeng taga bundok na ‘yun! na kay Samantha na ang lahat, magandang mukha, edukada at nagmula sa isang kilalang angkan.” Si Esmeralda na ang mga mata ay pasimpleng sinusuri ang bawat katangian na tinataglay ni Samantha. “Kapag ang babaeng ito ang nakatuluyan ng aking pamangkin na si Alexander ay siguradong mas lalo pang makikilala ang aming angkan. Sisikat din ang hotel na pag-aari ko hindi lang sa bansa kundi maging sa labas ng bansa!” Ito ang tumatakbo sa utak ni Gracia habang matamis na nakangiti kay Samantha. Samantalang si Patricia ay hindi makapaniwala dahil iniisip niya na maaari na rin siyang maging isang modelo, at sa pamamagitan ni Samantha ay maaari din siyang sumikat na tulad nito. Masyadong mataas ang expectation ng lahat sa oras na magkatuluyan ang dalawa. “Oh, my god! Really? Welcome to Aragon's family!” Ani ni Gracia at mahigpit na niyakap ang dalaga. Matinding kasiyahan ang naramdaman ni Samantha dahil sa magandang pagtang
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status