STELLA LUNA"Lumabas kayo!" mariin niyang sabi, bagaman basag at nanginginig ang boses."Ngayon din!" Saglit na katahimikan ang sumunod, ngunit mas mabigat pa iyon kaysa sigawan. Para bang ang buong silid ay napuno ng twnsyon. Si Via ang unang gumalaw—isang maikling tawa ang kumawala sa kanya, hindi tunay na saya kundi isang uri ng pangmamaliit na sinadya talaga nito."Wow," bulong nito, umiiling-iling habang nakatingin sa kanya. "Talagang nag-uutos ka pa."Dahan-dahang humakbang si Madame Celia palapit, maingat ngunit puno ng bigat ang bawat galaw nito. Inaayos pa nito ang kanyang sleeve na na gusot at parang walang nangyaring kaguluhan, parang hindi siya nito sinabunutan ilang segundo lang ang nakalipas. Ngunit ang mga mata nito—malamig, matalim, walang kahit anong bahid ng pag-aalala sa kanya sa mga natamo na karmot kay Via."Hindi mo pa rin talaga naiintindihan ang lugar mo dito," malamig nitong sabi. "At hanggang ngayon, ikaw pa rin ang walang delikadesa. At parang wala kang pina
Read more