Next:‘Kapag hindi ka pa nagpakita, ay magpapakasal ako sa iba.’Marahas na pinunasan ni Equinox ang luha na tahimik na pumatak sa kanyang pisngi. Isang taon na ang nakalipas magmula nang mangyari ang pamamaril sa kanya. Tuluyan nang gumaling ang sugat niya sa balikat, pero ang sugat sa kanyang puso ay hindi pa rin humihilom. “Equinox, tara na. Pumasok na tayo sa loob. Kanina ka pa nandiyan. Hindi ka ba nilalamig?” Imbes na sagutin ang tanong ng kapatid ay tinanong ito ni Equinox, “Quinny, may mali ba sa amin ni Lucas? Minahal niya ba talaga ako?” Si Quinny na nasasaktan para sa kapatid ay hindi agad nakasagot. Pilit niyang pinaamin si Austin kung nasaan si Lucas noong aksidenteng nagkatagpo sila, pero hindi ito umamin, pero ini-assure nito na magiging maayos din ang dalawa. Pero kailan? Hindi na niya maatim na makita pa ang kapatid na halos hindi makatulog at makakain sa pag-iisip kay Lucas.“Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit siya biglang naglaho, Equinox. Pero sigurad
Last Updated : 2026-03-31 Read more