NAG-ANGAT NA NG mukha noon si Ceska. Sinalubong ang malamlam na mga mata ni Brian na puno ng lungkot. Hindi masaya? Ganun naman pala, bakit ginawa pa rin iyon ng lalaki sa kanya kung ‘di naman pala ito masaya sa resulta?“You don’t need to feel sorry for me, Brian. Ganun naman talaga kapag nagmahal ka. Minsan nasusuklian, madalas hindi.” sagot ni Ceska na pinipigilang pilit na huwag umiyak, hindi siya pwedeng umiyak sa harapan ng lalaking ito. “Huwag mo ng alalahanin iyon dahil naging masaya rin naman ako noong mga panahong iyon na kasama kita. Kahit huwad, kahit hindi totoo at bahagi lang ng paghihiganti mo ang lahat ng mga ginawa mo sa akin, naging masaya pa rin naman ako.” Napalunok na ng laway si Brian. Lalo pa siyang nilamon ng labis na guilt. Mabait si Ceska, pero hindi na siya sanay dahil marahil ay sa kakaibang titig ng mga mata nito sa kanya na mas nagpasakit pa ng lihim sa kanyang damdamin para dito.“Kung pakiramdam mo ang laki ng kasalanan mo sa akin at nakokonsensya ka,
Last Updated : 2025-07-23 Read more