HINDI NAGTAGAL AY inaya na silang pumunta ng dining na kahit sila lang ang kakain ay napakaraming pagkaing nakahain. Simpleng kwentuhan lang ang kanilang naging usapan. Ni hindi nga iyon nagawi sa topic ng magiging kasal nila. Hinihintay lang ng mag-asawa na ang magkasintahan ang maging open sa kanila dahil ayaw nilang ma-pressure din sila. “Basta laging open ang bahay naming ito para sa iyo, hiha. Minsan dito na kayo matulog nitong si Fourth.” “Sige po, kapag nagkaroon po ng pagkakataon. Kapag hindi gaanong marami ang mga client ko.” Hindi na rin sila gaanong nagtagal doon, humantong sila ni Atticus sa isang bar upang uminom saglit. Matapos ng ilang shot ng alak ay nagpasya na rin silang umuwi ng penthouse ni Gabe. Nagawa pang magluto ni Atticus sa hiling na rin ni Gabe. Habang kumakain sila ay hindi napigilan ng lalaki na magtanong kay Gabe na natigilan na sa kanyang pagkain.“Kailan tayo magpapakasal, Gabe?” muling pagbabalik ni Atticus sa usaping iyon, gusto niyang malaman ang
Last Updated : 2025-10-16 Read more