MADIIN NA NAPAKAMOT pa sa kanyang ulo si Piper nang isa-isahin sa kanyang isip ang mga pinapagawa sa kanya ni Bryson. Cooking classes, flower arranging classes, tidying up and even the most oblivious person would understand his intentions, but Piper hadn't said anything. Hindi siya tanga para hindi mahulaan na gusto lang naman siyang pahirapan ni Bryson. Hindi na siya magtataka kung isang araw ay utusan din siya ng lalaking labhan ang mga damit gamit lang ang kamay. Ganun pa man, pumayag na siya. Huli na kung tatanggihan niya iyon at agad na susukuan. Hindi rin siya mahina.‘Sarap mong layasan ngayon! Bakit kasi mukha kang salapi, Piper? Nakita mo na? Gagawin ka lang niyang alipin niya!’Sa mga sandaling iyon, gusto na lang ni Piper na layasan si Bryson doon. But as soon as she turned around, she saw him at the bedroom door. Nakasandal siya sa pinto, tahimik na nakatitig sa kanya. Hindi niya alam gaano na ito katagal doon. “You don't need to wash that. Natulog na ako kagabi at nakali
Last Updated : 2026-01-07 Read more