WALANG SINUMAN SA mga naroon ang may nais sa kanilang pumunta si Bryson sa bansang iyon at iwan ang kumpanya nila sa Pilipinas. Isang malaking kawalan iyon na tiyak ikakapilay ng kumpanya kahit sabihin na naroon ang ama niya.“Oo nga apo, hindi kasi mabilis ang isang taon. Napakatagal noon. Akala mo lang ay saglit lang iyon, pero hindi.” suporta ni Gorio sa anak na si Gavin, ito ang pinakaunang tumututol kay Bryson. Syempre, matanda na siya para umalalay.“Buo na ang desisyon ko, Dad, Lolo. Ako ang pupunta sa Libya. Hindi ko ito pwedeng ipagkatiwala sa ibang tao.” “Bryson, ayaw mo bang pag-isipan muna ang gagawin mong desisyon?” si Bethany iyon na nilingon na ang ibang shareholders na sang-ayon sa kanyang mga sinabi, sa pammaagitan ng panaka-nakang tango ng kanilang mga ulo.Ang isa sa kanilang dahilan ay tumatanda na ang anak. Kung aalis ito ng bansa at magpupunta ng Libya, madadagdagan pa ang edad nito at wala pa rin itong sinisimulang pamilya. Ni hindi nga nila alam kung nais na b
Last Updated : 2026-01-30 Read more