MAKAHULUGANG NAGKATINGINAN ANG mag-asawa matapos na bumuntong-hininga. Alam nila ang dahilan ni Piper. Hindi nila kailangang magmaang-maangan at tanong ang anak. Iisa lang naman ang patuloy na nagpapahirap sa kanya.“Anak, gusto mo bang ako na ang gumawa ng paraan upang makasal ka sa kanya? Makiusap tayo sa kanila.” Napaangat ang mga mata ni Piper na nabitawan na ang hawak na kutsara. Hindi siya papayag na gawin iyon ng ama. Noon kay Gabriano, labis din ang pakikiusap nito ngunit sa bandang huli ay tinanggihan siya. Ayaw niya itong mapahiya.“No, Dad. Ayokong makialam ka. Hayaan niyo na lang po ako. Lilipas dito.” “Pero Piper, ayaw naming nakikita na nalulungkot ka. Pwede naman natin gawan ng paraan kung gusto mo.”Umayos ng upo si Piper. Salitan ng tiningnan ang mga magulang na biglang nanibago sa kanyang naging akto doon.“Dad, Mom, gusto ko sanang humingi ng bakasyon. Gusto kong magliwaliw muna. Kaya lang, ayokong may makaalam.”“What do you mean, Piper?” Ipinaliwanag ni Piper
Huling Na-update : 2026-02-06 Magbasa pa