ANG HULING LINYA ni Bryson ang nagpatigil kay Piper na magsalita upang labanan ang mga sinabi nito. Ilang minutong pinagnilayan niya iyon. Ang bigat ng dating ng mga salitang iyon sa kanya. Buo at masayang pamilya? Masarap iyong pakinggan, sa totoo lang, ngunit magiging masaya pa ba sila? Oo, magiging buo sila ngunit hindi ibig sabihin noon ay magiging masaya na rin sila. Mahirap ang sumugal. Mahirap ang muling magtiwala tapos sa huli ay muli lang na masisira.“Buo at masayang pamilya, Piper. Gusto kong ibigay iyon sa mga anak natin. May ina, may ama ang kanilang tahanan.”Natameme pa rin si Piper doon. Sinamantala ni Bryson ang kanyang pananahimik na para bang mayroon si Piper inaalala. “I know, you still have feelings for me. At ako, hindi naman iyon nagbago—”“Hindi nagbago? Huwag kang sinungaling, Bryson. Kung hindi iyon nagbago, bakit mayroon ka ng girlfriend ngayon?” puno ng paklang turan ni Piper dahil hindi niya makuha ang logic ni Bryson. “Hindi mo na ako mapapaniwala sa lah
Read more