NAPALINGON NA SA paligid niya si Piper, walang panghuhusga sa kanilang mga mga mata. Ang iba pa nga doon ay puno ng paghanga na nagawa niyang itago ang lahat ng ilang taon.“Kaya pala binigyan ng sasakyan.” “Oo nga, napakaswerte naman. Si Mr. Dankworth pala ang ama ng mga anak niya.” Kung anu-ano pang bulungan ang mga narinig ni Piper habang nasa lobby. Sa totoo lang ay kanina pa niya nais na tumakbo patungo ng kanyang office at magtago. Iyon nga lang ay wala siyang lakas na gawin ang bagay na iyon. Hilaw na ang ngiti ni Piper habang hindi na mapigilan ang kanyang mukhang mamula. Hindi na siya sanay na maging sentro ng lahat.“Pakasalan mo na, Miss Hidalgo. Sige ka, baka mamaya maagaw pa iyan ng iba.” “Ano ka ba? Hindi na iyan kayang agawin ng iba, may mga anak na sila.” Biglang natigilan ang kausap ni Piper na para bang mayroong napagtanto. “Sandali, pero mayroong girlfriend si Mr. Dankworth di ba?” tanong ng isa na luminga-linga.“Oo nga, kung may anak kayo tapos—” Inunahan na
더 보기