TAHIMIK NA TINALUNTON ng dalawang matanda pababa ang apartment habang magkahawak ng kamay. Habang lulan ng elevator ay panay lang ang palitan nila ng makahulugang tingin. Batid nilang mag-asawa na may comment sila sa mga nangyari ngayong gabi, ngunit gagawin na lang nila iyon sa pagpasok nila ng loob ng sasakyan. Ayaw nilang magkalat lalo na sa pampublikong lugar kagaya noon. Habang tumatanda ay ganun nila nireresolba ang mga problema nila na tahimik. “Thanie, you are too generous!” kaagad an reklamo ni Gavin pagkalulan nila at pagkasara ng pintuan ng kotse, “Think about this. Paano kapag maisipan niyang layo ang mga apo natin at—” “Huwag ka ngang mag-isip ng negative diyan, Gavin.” saway agad ng Ginang sa asawang nagkakabit ng seat belt. “Hindi niya iyon gagawin dahil alam na natin na may anak sila ni Bryson. Mahihiya iyon. At sa impluwensya ng pamilya natin, sa tingin mo pipiliin niyang magtago? Hahanapin natin sila. At kapag nahanap natin, magkakaroon ng malaking kahihiyan.” “Ka
Read more