HUMALAY ANG MALUTONG na halakhak ni Bryson sa apat na sulok ng silid. Niluwagan niya ang yakap sa katawan ni Piper at hinayaan itong gawin ang kanyang gusto matapos na bumangon at bumama ng kama. Sinundan niya ang likod ng babae na humakbang patungo ng bintana matapos ibalot ang hubad na katawan sa bathrobe. Bakas sa leeg nito at dibdib ang mapupulang marka na ginawa ni Bryson ng dumaang gabi. Habang pinagmamasdan si Piper ay binasa niya ang labi.“Napatawag ka, Piper?” Sinabi ng babae ang main reason niya na baka hindi siya makakapasok sa araw na iyon dala ng masamang pakiramdam. Umubo-ubo pa si Piper na hindi mapigilan ni Bryson na matawa dahil nakita niyang trying hard itong mag-rason sa amo. Modelo si Piper at hindi isang actress kung kaya naman hindi siya magaling mag-drama lalo na kapag kita pa ang mukha.“Sige, hija, ayos lang. Gabing-gabi na rin kasi tayo natapos kagabi. Naiintindihan ko.” “Oo nga, Mr. Alvarez, nahirapan pa nga akong makasakay ng taxi.” guilt trip ni Piper p
더 보기