MULI PANG NAGKATINGINAN ang mag-asawa sa daloy ng usapan ng kanilang anak na nahulaan ng may tensyon.“Dad, next time sama mo naman kami kahit magsusundo lang kay Mommy. Palagi na lang si Bree.” si Palmer iyon na mababakas sa tinig ang umaahon na selos sa kanilang bunsong kapatid, “You know, we also felt jealous over her.”“Why are you jealous, Kuya?” inosente ang mukhang tanong ni Bree na yumakap pa sa leeg ng ama, iginalaw-galaw pa nito ang kanyang ulo na animo ay may tugtog na kailangang sayawan niya. “Bree is one only. You are three, Kuya.” Mahinang natawa si Piper matapos na tingnan ang asawa ng may pakahulugan na noon. Hinaplos na ni Bryson ang ulo ng kanyang mga anak na lalaki. Naiintindihan niya ang tatlo na nagseselos na sa atensyong nakukuha ng kapatid na babae.“Sige, promise ni Daddy isasama ko na rin kayong tatlo. Hindi ba at may homework kayo? Saglit lang din naman kami sa labas. Sinundo lang namin ang Mommy. Hindi kami kumain gaya ng iniisip niyo. Purong pagsundo lang
Read more