Ahva POVPagbalik namin sa mansiyon, isa-isa na agad nakaantabay ang mga private nurse ng imperyo ni Eryx. Alam kasi namin na hindi maiiwasan na may sugatan dahil sa naging labanan. Isa-isang dumating ang sasakyan, gaya ni Eryx, marami rin ang sugatan, pero nakakatuwa dahil wala namang namatay kahit isa.Nilapitan at inalalayan kong bumaba ang boyfriend ko. Amoy gasolina, usok at pawis pa si Eryx. Pati ako, may mga mantsa pa ng abo sa braso at leeg, pero hindi na namin ininda iyon. Ang mahalaga, nakauwi kami nang buhay dito sa manisyon.Pagpasok sa kuwarto, diretso agad siya sa banyo. Tahimik lang akong sumunod, dala-dala ang maliit na first-aid kit na hiningi ko sa mga private nurse namin.Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng salamin, walang suot na pang-itaas, at may mga hiwa at pasa pa sa balikat at tagiliran. Kahit ang pinakamagaling sa pakikipaglaban, nasusugatan pa rin talaga.“Umupo ka muna, mahal ko,” sabi ko habang nilalagay sa ibabaw ng sink ang kit.Ngumiti siya kahit mukh
Last Updated : 2025-11-12 Read more