Eryx POVNgayong araw, hawak ko na ang sampung alam kong malalakas, walang sugatat pinili kong mga estudyante mula sa mga nasagip namin. Matatangkad, mabilis kumilos at matatalas ang mata. Kung tutuusin, maraming nagpaiwan, pero itong sampung ‘to, ibang klase ang presensya na nakikita ko sa kanila.“Simula ngayon,” sabi ko habang nakasandal ang kamay ko sa likod, “buburahin ko ang kahinaan ninyo. Hindi kayo trainee. Hindi rin kayo basta-bastang apprentice. Sa loob ng ilang araw magiging anino ko kayo.”Tahimik lang silang lahat at walang kumikibo. Minsan, mas gusto ko ‘yung ganoon ‘yung tingin pa lang nila, alam mong desperado talaga silang lumaban.“Handa na po kami, Boss Eryx,” sigaw ng isa.Tumango naman agad ako. “Simulan na natin.”Dinala ko sila sa lumang underground training grounds sa ilalim ng mansiyon ko. Parang maze iyon, puro pader, poste, scaffolding, mga beam at elevated platforms. Madilim, para masanay sila sa natural na kondisyon ng mga assassin.“Rule number one,” sab
Last Updated : 2025-12-03 Read more