Ahva POVDumating bigla si Ramil sa hacienda para magbalita sa amin. Kasabay nun, may dala-dala pa siyang milktea para sa aming magkakaibigan, kasama na rin si Eryx.Wala na siyang paligoy-ligoy pa.“Ahva… may update akong nalaman mula sa dating school ninyo.”Akala ko noong una, tungkol lang iyon sa mga student na nakauwi na, pero hindi pala.Isa-isa niyang binanggit ang mga pangalan.Si Selene Navarro, Aeries Dela Noche, at Lucian Talibong.Natatandaan ko sila. Sila rin ‘yung ilan sa mga nasa top ten nung nag-aaral pa lang kami.“Anong update sa kanila?” tanong ko, kahit may hinala na ako sa isasagot niya.“Wala na sila. Mga hindi nakaligtas noong nakakulong pa sa mga kulungang ginawa ng mga tauhan ni Giapson.”Napanganga at napatulala sina Kara, Amon, Nyra at Penumbra.Bago ako dumating sa school, sila na talaga ang palaging laman sa top ten. Sila nila Kara at Amon ang mas nakakakilala sa mga iyon. Ako kasi, hindi, dahil hindi ko sila nakasama ng matagal. Si Kara, oo, kasi mga team
Huling Na-update : 2026-03-02 Magbasa pa