Tama nga ang naging usapan ng ibang mga kasambahay. Sa sumunod na araw, naubos ang oras ng lahat sa paghahanda ng mga pagkain sa bahay ng mga Buenavista dahil may bisita si Aiden—mga barkada niya. It was already night when they arrived, naayos narin ang buong pool area at marami nang nakahandang maiinom.Ang mga kasambahay, kasama si Kierra, ay naglalagay ng ilan pang inumin. May mga lalaki, may mga babae rin. Napayuko si Kierra nang mapansin ang mga babaeng naka-swimsuit—magaganda ang katawan, makikinis, at halatang sanay magpakita ng balat. Sumama rin si Aira sa party na iyon, abala sa pakikipag-usap sa ibang bisita.“What’s that on your neck? Nag-uwi ka talaga ng hickeys from abroad, Bro?” natatawang sabi ng isa sa mga barkada ni Aiden, si Paul.Muntik nang mabitawan ni Kierra ang hawak na baso nang marinig iyon.“Shut up,” natatawang sagot ni Aiden at napasulyap kay Kierra, pero agad ding inalis ang tingin.“We really thought that you would go home next month, bakit napaaga?”tanon
Last Updated : 2025-05-28 Read more