Inabot niya iyon sa mama niya, halos nanginginig ang kamay, sabay hawak sa batok niya, pilit na hinahabol ang hininga, at naupo sa gilid ng kama, pilit pinipigil ang matinding panginginig ng buong katawan niya na para bang kahit kaunting galaw ay babagsak siya.Tahimik ang paligid, tila huminto ang mundo habang dahan-dahang tinitingnan ni Cheska ang pregnancy test. Bawat segundo ay parang oras na kumakain sa lakas ni Thali.Ang mahinang tiktak ng wall clock sa dingding ay tila umaalingawngaw, kasabay ng mabilis, malakas na tibok ng puso niya na parang sasabog anumang sandali. Hanggang sa biglang mapasinghap ang ina niya, mabigat at mabagal, at marahang iniangat ang tingin, diretso sa mga mata ng anak, puno ng emosyon na mahirap basahin.“Negative? Positive?” Mahina, pero tarantang tanong ni Thali sa kanyang ina at hindi na alam kung uupo ba siya o tatayo o ano.“Positive,” mahina pero malinaw na sabi nito. Sapat iyon para mapapikit si Thali nang mariin, ngunit sa ilalim ng kaba ay may
Last Updated : 2025-08-29 Read more