“Sinabi ko nang kumain ka na,” ani Thali, may halong tampo at lambing sa tinig, habang dahan-dahang nilalapitan siya. Sa halip na magbihis, naupo muna ito sa gilid ng kama, bahagyang inalog ang buhok para matuyo, saka sinilip ang ginagawa ng binata. Nakita niyang abala si Lorenzo sa laptop, seryoso ang mukha habang nagbabasa ng kung anong files, para bang malalim ang iniisip.“Kamusta pala ‘yong company ng family mo? Hindi ba naaapektuhan?” biglang tanong ni Thali, halatang nag-aalala, at may bahid ng takot na baka naapektuhan na nga ang lahat dahil sa mga nangyayari.Umiling si Lorenzo, mababa ang boses, ngunit ramdam ang bigat ng responsibilidad. “I’ll give an authority to your brother on holding the company. He can handle it while I… stay here.”Napanganga si Thali, hindi makapaniwala sa narinig. “W-Who?” halos pabulong niyang tanong, para bang hindi pa rin nag-sink in ang sinabi nito. Naramdaman niya ang kakaibang kaba sa dibdib, naghahalo ang gulat, tuwa, at pangamba sa posibleng
Terakhir Diperbarui : 2025-08-20 Baca selengkapnya