“You know what, Maya, I’m happy that you’ve changed your mind. Buti na lang at naisip mong huwag na munang lumipat," nakangiting turan ni Gaia. “Naisip ko rin kasi si Hope. Alam kong masaya siya kapag kasama niya kayo. Masyado nang napalapit sa inyo ang anak ko at hindi ko naman din siya masisisi kasi mabubuti kayong tao." Ngumiti si Maya kay Gaia habang inaalis ang mga damit nila ni Hope sa bag. “Alam mo, Ate Maya… I’ll call you ate pala ha since ikaw naman ang mas matanda sa ating dalawa. Mas okay talaga kung dito na lang kayo mag-stay ni Hope. Makakaipon ka kapag dito kayo nakatira kasi hindi mo na kailangang magbayad ng tubig, kuryente, renta, at iba pa kasi libre na lahat." “Tama ka! Kaya malaking tulong talaga sa aming mag-ina ang pagpapatira sa amin ni Don Gilberto rito. Dahil sa kaniya, nagkaroon kami ng—” Biglang nahinto sa pagsasalita si Maya nang mag-ring ang cell phone ni Gaia. Nakapatong iyon sa table na nasa tabi ng kama. Sabay pa silang napalingon dito. “Wait, l
Last Updated : 2024-09-25 Read more