“Tita Gaia, bakit po n-namatay si m-mommy?” atungal ni Hope. “No, Hope. She’s not dead. Nawalan lang siya ng malay,” mabilis na sagot ni Gaia habang nagmamaneho patungo sa pinakamalapit na hospital. Natataranta na nga siya dahil ilang minuto nang walang malay si Maya, mas lalo pa siyang naaligaga nang sabay-sabay na nag-iyakan ang tatlong bata na nasa likod ng kaniyang sasakyan. “Calm down, kids. Magigising din si Ate Maya mamaya. We just need to bring her to the nearest hospital.” “Tita Gaia, please our Tita Maya! Hope needs her,” sumisinghot na sambit ni Bia. “Oo nga po, Tita Gaia. Kamamatay lang po ni Matthan. Hindi po kakayanin ng kaibigan namin kapag namatay pa ang mommy niya. Tita Maya is such a good person to us too. Para na rin po namin siyang mommy. Please tita, drive faster,” ani naman ni Hivo habang yakap-yakap niya sina Bia at Hope. Nasa gitna siya ng mga ito. “ShiT,” Gaia murmured when the traffic became heavy. Bumisina siya nang malakas. “Of all time, ngayon pa talag
Last Updated : 2024-10-21 Read more