Bitbit ang lalagyan ng sabaw, humarap si Yazzy sa lalaking nakaupo sa sofa at masinsinang nagbabasa ng mga dokumento. “Marco, inihatid lang ako rito ni Freya at umalis na rin siya agad pwede mo ba akong samahan palabas?” Dahil alam niyang maaaring kailanganin pa nila ang tulong ni Yazzy sa hinaharap, nagsalita si Senyora. “Marco, samahan mo na si Yazzy palabas.” Isinara ni Marco ang dokumento, tumayo, at sinabing, “Sige, tara na.” “Sandali lang po,” mabilis na isinuot ni Yazzy ang kanyang salamin, maskara at alampay, saka tumingin sa kanya at sinabing, “let's go.” Sabay silang lumabas ng silid at sumakay sa elevator patungo sa ground floor. Magkatabing naglalakad si Yazzy at Marco. Nakasuot siya ng salamin upang hindi makita ng lalaki ang kanyang mga tingin at sa ganitong paraan, malaya niyang napagmamasdan ang bawat kilos at anyo nito. Bigla niyang namataan ang pigura ni Sierra sa hindi kalayuan. Bahagyang huminto ang kanyang mga hakbang, at mabilis na sumilay ang isang tusong
Read more