"Tinanong mo ako kung paano ko nakalimutan ang sakit ng pagkawala ng anak natin at ang katotohanang hindi na ako makakapaglakad ulit, sinabi ko rin na napatawad ko na ang kapatid ko..." Litanya ni Stephano. "The truth is, that was all lies. In my heart, I have never forgiven him. Not even once. Pero hindi ko hahayaang lumaki ka sa poot. Hindi ko alintana na ako ang malugmok, but you're a good person, a pure soul—hindi ka dapat masira nang dahil lamang sa lahat ng iyon."Biglang tumayo ng diretso si Esmeralda at tumingin kay Stephano. Nakita niyang nakakuyom ang mga kamao nito, mabilis ang paghinga, at ang mga mata ay parang unti-unting nilalamon ng kadiliman.Naramdaman niyang baka atakihin ito, kaya mabilis siyang tumayo, lumapit, lumuhod, at hinawakan ang kamay nito. “Stephano, tapos na ang lahat. Huwag na nating pag-usapan pa.”Parang hindi narinig ni Stephano ang sinabi niya. “Sa loob ng mahabang panahon, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na huwag nang maghangad ng higit pa.
Read more