Nakangiting inakay ni Audrey si Vior papasok ng kabahayan at sinabing, "Listen, the miracle is happening." "Uh-hm." Naglakad si Audrey sa likuran ni Vior at dahan-dahan itong itinulak pasulong. "Nakikita mo na ba?" Nakita ni Vior ang lalaking matagal na niyang hinahanap na nakaupo sa sofa ng sala. Sa sobrang tuwa niya ay gusto niyang sumigaw, pero pinigilan niya ang sarili. Lumapit si Audrey sa kanya at nagtanong, "Ano sa tingin mo ang himala ko?" Masayang hinalikan ni Vior ang pisngi ni Audrey, "It's beautiful! Thank you so much, Drey-drey! You're the best!" "At tungkol naman sa..." Bago pa matapos ang sasabihin niya, iniwan na siya nito at masiglang lumapit sa sala, "Sylvio..." Napa-deadpan look na lang si Audrey. Nang makita ni Sylvio si Vior, halos hindi mapansing kumunot ang kanyang noo. "Bakit ka nandito?" "Vior." Masayang tumayo si Delia mula sa sofa, lumapit at hinawakan ang kamay ni Vior. "Hija, nandito ka na!" "Opo Lola, bumisita po ulit ako." Lumapit si Audrey,
Read more